“She taught me how to enjoy fashion”: KC Concepcion, inalala ang kanyang lola na si Elaine Gamboa-Cuneta

Bawat isa sa atin ay may hinahangaan o tinitingalang fashion icon. Sila iyong mga iniidolo natin pagdating sa fashion. Sa kanila tayo kumukuha ng mga inspirasyon sa pagpili ng fashion style na ating gagayahin. Madalas hinahangaan natin sila dahil sa kanilang magandang taste pagdating sa fashion o sa kanilang ‘fashion sense’.

Credit: @itskcconcepcion Instagram    

Isa nga sa mga nagsilbing fashion icon at talaga namang may malaking impluwensiya sa pagkahilig ng aktres na si KC Concepcion sa fashion ay ang kanyang lola na si Elaine Gamboa-Cuneta o tinatawag din ni KC na Mamita Elaine.

Kamakailan lamang ay inalala ni KC ang kanyang lola na nagturo umano sa kanya paano mahalin at enjoyin ang fashion.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni KC ang isang larawan ng isang Channel vintage bag na pinamana sa kanya ng kanyang lola.

Nagbaliktanaw si KC noong mga panahon na nabubuhay pa ang kanyang lola. Ikwenento ni KC na magmula noong siya ay bata pa hanggang sa tumungtong siya sa edad na 20 ay palagi umano siyang binibihisan ng kanyang lola ng mga magagandang damit.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Noong panahon din na iyon ay ibinigay sa kanya ng kanyang lola ang mamahaling vintage bag.
Kwento ni KC, “One day, I was walking out the door in jeans and a shirt, when she told me to change the big black purse I was wearing. I knew I would be running late, but I paused, and waited- I would never want to disappoint my grandmother. After about 10 minutes, and after serious contemplation, she found the purse she was looking for.”

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Dagdag niya, “She gave me this vintage Chanel from her dressing room (my favorite room in the house, if not the swimming pool), gave me a nod of approval with her chin up, also wearing this proud grin. She had a sparkle in her eye when I agreed to wear it, and said, “I won’t be able to wear that around anymore, from now on, that’s yours.” 🥺 I hugged her, kissed her, ran outside in my sneakers and jeans and hand-me-down vintage Chanel. She taught me how to enjoy fashion.”

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Samantala, limang taon na ang makalipas mula nang pum@naw ang lola ni KC at ngayon nga ay palagi umano niya itong inaalala sa tuwing nagsusuot siya ng mga magagandang outfit, accessory o maging sa tuwing siya ay nagdedesenyo ng mga alahas.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Sa huli, sinabi ni KC na “by finding joy and fun in fashion” nabibigyan niya ng pagkilala ang kanyang lola.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Dagdag niya, “I wish I could even show her the jewelry pieces I make, so I can once again see that childlike gleam in her eye, that pure excitement on her face. I know she’s with me, everyday.♥

The post “She taught me how to enjoy fashion”: KC Concepcion, inalala ang kanyang lola na si Elaine Gamboa-Cuneta appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments