Iza Calzado at British businessman na si Ben Wintle, nagpalitan ng matamis na mensahe para sa isa’t isa sa kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang mag-asawa

Ang pag-aasawa ay hindi lamang nangangahulugang pagsasama ng dalawang tao. Ito ay nangangahulugan din na mayroon ka nang karamay sa bawat masaya at malungkot na bahagi ng iyong buhay. Magkasama niyong haharapin at pagtatagumpayang mag-asawa ang mga hamon na ibibigay sa iyo ng buhay.

Credit: Iza Calzado Wintle Instagram   

Kaya naman nararapat lamang na ipagdiwang ng mga mag-asawa ang kanilang wedding anniversary. Ito kasi ang araw kung kailan sila nanumpa na magiging “partners” sila “for life”.

Isa naman sa mga celebrity couple na nagdiwang kamakailan ng kanilang wedding anniversary ang mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle.

Credit: Iza Calzado Wintle Instagram

Nagpalitan ng matatamis na mensahe sina Iza at Ben sa kani-kanilang social media account upang batiin ang isa’t isa ng ‘Happy Wedding Anniversary’.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Iza ng larawan nila ni Ben kuha sa kanilang kasal. Noong December 19, 2018 ay ikinasal sina Iza at Ben sa Club Paradise sa isla ng Coron, Palawan.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Iza na matapos ang dalawang taong pagiging kasal nila ni Ben ay masasabi niyang “unbreakable” na umano sila bilang mag-asawa.

Ani Iza, “2 years ago, we made a decision to be partners in this beautiful and colorful journey called life. This year tested us only to reveal what we already knew that day. Together, we are unbreakable. Happy Anniversary, my love. 💖 @benmwintle”

Credit: Iza Calzado Wintle Instagram

Habang si Ben naman ay nag-post ng isang larawan ni Iza na nakangiti at masayang-masaya.

Kalakip ng ipinost na larawan ni Ben ang isang sweet caption para sa kanyang napakagandang asawa.
Ani Ben, “You remind me everyday that life’s greatest gift is love. What a year. Happy anniversary @missizacalzado”

Credit: Iza Calzado Wintle Instagram

Ibinahagi rin ni Ben na isa umano sa mga paborito nilang gawin ni Iza ay ang panoorin ang kanilang wedding video!

Ani Ben, “Doing one of my favorite things with Iza tonight… rewatching our wedding video!”

Samantala, nagkomento naman si Iza sa Instagram post ni Ben.

Credit: Iza Calzado Wintle Instagram

Ani Iza, “This post makes me happy but where is my Anniversary gift? Hahaha! Love you, Poopy! You are the best gift I have ever received. CHAROT!”

Sina Iza at Ben ay unang nagkakilala noong 2011 sa isang magazine event.

The post Iza Calzado at British businessman na si Ben Wintle, nagpalitan ng matamis na mensahe para sa isa’t isa sa kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments