“It’s a boy”: Ito masayang pag-anunsyo ng gender ng pangatlong anak ni Andi Eigenmann

Isang baby boy ang bagong miyembro ng “Happy Islander” family na binubuo nina Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, Ellie at Lilo.

Credit: Happy Islanders YouTube   

Nitong Linggo, December 13, sa pinakabagong vlog ng kanilang family YouTube channel mapapanood ang masayang gender reveal na inihanda ni Andi na ginanap lamang sa kanilang bahay.

Sa simula ng vlog, ikwenento muna ni Andi kung gaano siya ka-excited sa gender reveal ng ikatlo niyang anak.

Kasalukuyan nang nasa ikatlong trimester ng kanyang pagbubuntis si Andi at excited na nga siyang sabihin sa kanyang partner at sa dalawa niyang anak ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis.

Ayon kay Andi, matagal na niyang alam ang kasarian ng kanyang ikatlong anak ngunit kamakailan lamang niya ginawa ang gender reveal dahil gusto niya na kasama nila si Philmar kapag ibubunyag na niya ang kasarian nito.

Credit: Happy Islanders YouTube

Matatandaang kamakailan ay nakasama muli nina Andi at ng kanyang mga anak si Philmar na ilang buwan din na nahiwalay sa kanila dahil nasa Maynila sila at nasa Siargao naman ito.

Plano ni Andi na idaan ang gender reveal sa pamamagitan ng mga cupcake na siya mismo ang nag-bake.

Kaya nga lang hindi umayon sa kanyang plano ang gender reveal na naisip niya dahil palpak ang nagawa niyang icing.

Sa halip naman na gumamit ng blue icing, isang box na lamang na mayroong damit panlalaki ang ginamit ni Andi.

Credit: Happy Islanders YouTube

Una munang ipinakain ni Andi ang cupcake na binake niya kina Philmar at Ellie. Akala naman ng mga ito na may lamang pink o blue icing ang cupcake ngunit nang maubos na nila ito ay puting icing lamang ang kanilang nakita. Matapos silang ma-goodtime ni Andi ay dali-dali naman nilang binuksan ang box.

Sa huli, nakita nga nila ang kulay asul na onesie na inilagay ni Andi. Kitang-kita naman sa reaksyon nina Philmar at Ellie ang kaligayahan dahil baby boy ang ipinagbubuntis ni Andi.

Maging ang mga netizen na nanood ng gender reveal vlog ay tuwang-tuwa rin na lalaki ang kasarian ng baby nina Andi at Philmar.

May ilang netizen pa na naluha dahil sa labis na kasiyahan para sa kanilang iniidolong pamilya. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Credit: Happy Islanders YouTube

“hahaha omygod! why did i cry when Philmar shouted IT’s BLO!! hahaha congratulations!!❤

“Why was i teary eyed and smiling while watching the reveal?? Tears of joy..😊😊😊😢😢😢😬😬🤪🤪🤪 CONGRATS to Happy Islanders!!! ❤❤❤

“Oh!! so happy it’s a boy yayyyy!!, I had tears eye. I was the one excited. Thanks god your so good to them. Nice couple. God bless Andi and Philmar and all😘😘😘🙏🙏🙏

Credit: Happy Islanders YouTube

Samantala, isang araw pa lamang ang makalipas matapos i-upload ng “Happy Islanders” ang gender reveal vlog ay nakakuha na ito ng mahigit 1 million views.

The post “It’s a boy”: Ito masayang pag-anunsyo ng gender ng pangatlong anak ni Andi Eigenmann appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments