Ito ngayon ang masayang pamumuhay nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo habang nananatili sa Maynila

Kasalukuyang sinusulit at ini-enjoy ngayon ng dating aktres na si Andi Eigenmann at ng kanyang buong pamilya ang kanilang buhay sa lungsod.

Credit: Happy Islander YouTube        

Sa pinakabagong vlog ng “Happy Islanders” ay ibinahagi nila ang kanilang masayang buhay sa lungsod malayo sa isla ng Siargao. Pinamagatan ni Andi ang vlog na “Our Happy Island Fam’s Day In The City Life!”.

Credit: Happy Islander YouTube

Sa simula ng vlog ay mapapanood ang paggawa ng masustansya at masarap na juice ni Philmar para kina Andi at Lilo.

Sa mga hindi nakakaalam, si Lilo ay ang bunsong anak nina Andi at Philmar at ito ay isang taong gulang na. Isa pa sa mga talaga namang naging bonding na ng pamilya ni Andi ay ang pagsi-swimming.

Credit: Happy Islander YouTube

Maituturing na mahilig mag-swimming ang buong pamilya ni Andi kasama na rito ang kanyang mga anak na sina Ellie at Lilo.

Si Ellie ay anak ni Andi sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito at nitong November 23 lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-9 na kaarawan.

Credit: Happy Islander YouTube

Kitang-kita sa vlog na masayang-masaya ang buong pamilya ni Andi habang naliligo sa swimming pool.

Kapansin-pansin din ang malaki nang tiyan ni Andi. Pitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Andi. Matatandaang August ngayong taon nang masayang inanunsyo ni Andi na siya ay buntis sa ikalawang anak nila ni Philmar.

Credit: Happy Islander YouTube

At dahil malapit na ang pasko, sabay-sabay na itinayo ng buong “Happy Islanders” family ang kanilang simple ngunit magandang Christmas Tree.

Nakakaaliw naman panoorin ang reaksyon ni Lilo nang pinailawan na nila ang kanilang Christmas tree.
Makikita sa vlog na namangha at sobrang natuwa si Lilo nang makita ang kumukutikutitap na Christmas lights.

Credit: Happy Islander YouTube

At sa pagtatapos ng kanilang vlog, sabay na nag-sipilyo ang buong “Happy Islanders” family.

Samantala, maraming netizens naman ang humanga sa simple ngunit masayang pamumuhay ni Andi kasama ang kanyang pamilya sa siyudad. Komento ng netizens:

Credit: Happy Islander YouTube

“I don’t want to be a rich one. Just having a happy family like them is enough for me to be rich😊

“so cute family..Ellie so kind to her sister Lilo..Lilo makes me laughed the way she looks at the camera.”

Credit: Happy Islander YouTube

“this ‘a look at a day in celebrities’ life’ is Very natural. Unlike others other vloggers who still pick their ‘ best house dress’ still put on make up, prestine home that somehow still looks staged. Lovin Ellie and Lilo❤

Credit: Happy Islander YouTube

“Wow she really is happy with her life. The guy is nice and he knows how to take care of his body. Happy wife happy life!”

Credit: Happy Islander YouTube

Hanggang sa hindi pa naipapanganak ni Andi ang kanyang ikatlong anak at pangalawang anak nila ng kanyang partner na si professional surfer Philmar Alipayo ay pansamantala munang mananatili ang buong “Happy Islanders” sa Maynila bago permanenteng tumira sa Siargao.

The post Ito ngayon ang masayang pamumuhay nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo habang nananatili sa Maynila appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments