Dianne Medina, nagreact sa komento ng isang netizen tungkol sa kanyang pagtaba pagkatapos manganak

Ang katawan ng isang babae ay nagbabago pagkatapos niyang manganak. Madalas ang mga nanay na kapapanganak pa lamang ay nahihirapang magbawas ng timbang. Maaaring abutin pa ng ilang buwan o taon bago maibalik muli sa dating hugis ang mga katawan ng mga nanay na dumaan sa pagbubuntis at ito ay normal lamang lalo na’t mahirap din para sa isang ina na pagsabayin ang pag-eehersisyo at pag-aalaga ng kanilang sanggol.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram    

Kaya naman labis na nalungkot si TV host-actress Dianne Medina sa isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang post-partum body.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kapapanganak lamang ni Dianne sa unang anak nila ni dancer-actor Rodjun Cruz na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III nitong September 10.

At kamakailan lamang ay nakatanggap si Dianne ng isang komento mula sa isang netizen na nagtanong kung bakit umano siya mataba.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Ba’t ang taba?”, sinabi ng nasabing netizen sa mga larawang i-pinost ni Dianne sa Instagram.

Hindi napigilan ng ilang netizens na punahin ang komento ng nasabing netizen at ipinagtanggol si Dianne.

Narito ang ilang mga komento ng netizens para ipagtanggol si Dianne.

“@leylo8365 Hey? Are you a mom already? I wish you not. Stop Mommy Shaming !! GODBLESS YOUR SOUL”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Maam huwag naman po sana kayo nagsasalita ng ganyan sa isang taong kapapanganak lang. Madami po yan pinagdadaanan lately dadagdag pa kayo.”

“Ang hirap magbawas ng timbang after giving birth, hindi lahat agad papayat. I also gave birth Aug of this yr. Almost 4 months na pero malaman pa din ako. It will take time. Hindi pa nga bumabalik ang sarili ko sakin after delivery katawan ko pa kaya haay. Ang ganda ganda ni mommy @dianne_medina sana all”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Pinasalamatan ni Dianne ang mga netizen na naiintindihan ang kanyang sitwasyon bilang isang ina.
Gayunpaman, hindi mapigilan ni Dianne na madismaya at malungkot sa komento ng nasabing netizens sa kanyang post-partum body. Tumugon ang aktres sa komento ng netizen.

Aniya, “@lizelespirituprado thank you haaay 🙁 nakakalungkot na hindi nila maintindihan na this is a post pregnancy body and its hard to lose weight in an instant since im also breastfeeding grabe noh”

Samantala, nang nakapanayam naman ng “Unang Hirit” noong September 22 ang celebrity couple, sinabi ni Dianne na sobra silang nagpapasalamat na mag-asawa sa Diyos sa pagbibigay sa kanila ng isang Baby Joaquin sa kalagitnaan ng isang mahirap na panahon.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Ani Dianne sa nasabing panayam, “We are very thankful and grateful to our Lord Jesus Christ for blessing us baby Joaquin despite all of the current situations that we’re experiencing. Alam naman natin in the midst of c0v!d talagang nakakatakot sa first time parents.”

The post Dianne Medina, nagreact sa komento ng isang netizen tungkol sa kanyang pagtaba pagkatapos manganak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments