Kim Chiu, nagpasalamat matapos maging matagumpay ang premiere ng kanyang bagong horror film na “U-Turn”

Isa sa mga tradisyon tuwing Halloween ay ang panonood ng mga nakakatakot na palabas o horror films. Kung walang p@ndemya ay marahil punuan na ang mga sinehan at nakapila na ang mga Pinoy para manood ng mga horror film nitong nagdaang Halloween.

Credit: Kim Chiu Instagram     

Gayunpaman, hindi naging hadlang ang p@ndemya para mapanood ng mga Pinoy worldwide ang comeback horror film ni “Chinita Princess” Kim Chiu na “U-Turn”.

Nitong October 30, ay ipinalabas na via online streaming at Pay-Per-View ang horror film na pinagbibidahan ni Kim Chiu kasama sina TV actors Tony Labrusca at JM de Guzman sa ilalim ng dereksiyon ni Roderick Cabrido.

Credit: Kim Chiu Instagram

Ang “U-Turn” ay remake ng Star Cinema sa sikat na 2016 Indian Horror film ng parehong pangalan. Tungkol ito sa isang journalist na pinagbibidahan ni Kim na iniimbestigahan ang maraming kaso ng su!c!de kasama ang kanyang boyfriend na ginagampanan naman ni Tony at isang police officer na ginagampanan ni JM.

Credit: Kim Chiu Instagram

Samantala, sa isang Instagram post ay nagpasalamat naman si Kim sa lahat ng nanood sa kanyang bagong pelikula.

Credit: Kim Chiu Instagram

Aniya, “It’s been almost one week since my movie #UTURN started streaming online. Thank you to everyone who watched the film, for all your comments, and watched it in a new normal set up.”

Credit: Kim Chiu Instagram

Dagdag ni Kim, “Thank you to everyone who watched and tagged me on my social media account na sa 150 pesos the entire family was able to watch the film and most especially thank you to my SOLID supporters for doing such effort 13 BLOCKSCREENINGS total VIA ZOOM a different type of blockscreening., thank you for adjusting and learning to do this for me. Thank you for your love, time, and effort. Thank you, everyone!!!.”

Credit: Kim Chiu Instagram

Inamin din ni Kim na naninibago umano siya sa new normal set up ng pagpo-promote at pagpapalabas ng kanyang bagong pelikula.

Pag-amin pa ni Kim, “This p@ndemic brought us closer to technology; it feels different to promote a movie, premiere a film, show a movie via internet/zoom/link, etc.”

Credit: Kim Chiu Instagram

Mapapanood hanggang November 12 sa KTX.ph, iwantTFC, Sky Cable at Cignal Pay-Per-View ang “U-Turn”.

The post Kim Chiu, nagpasalamat matapos maging matagumpay ang premiere ng kanyang bagong horror film na “U-Turn” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments