Viral ngayon ang isang school principal mula sa bayan ng Buruanga, Aklan matapos siyang makuhanan ng letrato na tinatapos ang ginagawang hagdan at riprap sa paaralan na kanyang pinamamahalaan.
Kinilala bilang si Elmer Lumbo ng Habana Integrated School ang nasabing school principal. Mismong ang anak ng principal na si Jose Elvis Michelet Lumbo ang kumuha ng letrato ng kanyang ama na kahit lagpas na sa school at work hours ay todo pa rin ang pagkukumpuni sa kanyang paaralan na pinagtatrabahuan.
Bilang isang anak ay ipinagmamalaki naman ni Jose Elvis ang kanyang ama dahil sa kasipagan at dedikasyon nito sa pagtatrabaho. Ayon sa caption ni Jose Elvis sa kanyang FB post, mag-aalas 9 na umano nang gabi ngunit patuloy pa rin sa pagkukumpuni at pagmamason ang kanyang ama.
Ani pa ni Elvis, hindi pa umano siya nakakita ng isang principal na bukod sa principal na ay gumagawa rin ng konstruksyon sa kanyang paaralan.
Sa artikulong inilathala ng ABS-CBN News, ikwenento ng mga anak ni Sir Elmer na sina Jose Elvis at Jose Elmer kung bakit tumutulong ang kanilang ama sa konstruksiyon ng ginagawang proyekto sa paaralan nito.
Ayon kay Jose Elvis kaya umano tumulong ang kanilang ama sa konstruksiyon ng proyekto ay para matapos na umano ito at maiulat na sa school division.
Inihayag naman ni Jose Elmer na 10 taon na umanong nagtatrabaho ang kanilang ama bilang isang principal.
Kwento ng anak ng principal, lumaki umano sa hirap ang kanilang ama kaya sanay na ito sa mga mabibigat na trabaho.
Samantala, sa isang Facebook post ay sinabi naman ni Sir Elmer na “simple act” lamang umano ang kanyang ginawa. Alam din umano ni Sir Elmer na marami pang mga kasamahan niya sa DepEd “who did more heroic acts worthy of emulation at “chunk of a fraction” lamang umano ang kanyang ginawa.
Aniya, “I pretty well know that there are plenty of colleagues in the Deped community across the country who did more heroic acts worthy of emulation. Mine was just a “chunk of a fraction”.
Sa kabila naman ng kanyang sinabi ay labis pa rin ang pasasalamat ni Sir Elmer sa mga tao na naka-appreciate sa kanyang ginawa.
Ani Sir Elmer, “Your recognition, appreciation and accolade will be treasured forever not only by my family but also those of the stakeholders who believe in my selfless service and leadership in Habana Integrated School.”
Dagdag pa niya, “I wish to share this with you all. May this serve as my inspiration in performing my duties with more fervor dedication.”
The post School Principal, nag-viral matapos mag-ala construction worker para matapos ang ginagawang proyekto sa kanyang paaralan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments