Mga sweet picture nina Sofia Andres at boyfriend na si Daniel Miranda, nagpakilig sa mga netizen

Mukhang nahanap na ni Sofia Andres ang kanyang “soulmate” sa katauhan ng kanyang napakagwapong boyfriend na si Daniel Miranda. Ito ang inamin ni Sofia sa caption ng kanyang Instagram post.

Credit: @iamsofiaandres Instagram      

Kalakip ng kanilang sweet pictures ni Daniel ay ang caption na, “I have finally found my soulmate.”

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Hindi tuloy maiwasan ng netizen na kiligin sa pag-iibigan nina Sofia at Daniel. Maraming netizens ang kinilig sa mga larawan na ibinahagi ng TV actress sa Instagram kung saan makikita sila ni Daniel na sweet at intimate sa isa’t isa.

Kuha ang mga sweet photo ng magkasintahan sa pre-birthday photo shoot na ginawa nila para sa 1st birthday ng kanilang anak na si Zoe Natalia.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Parang eksena sa isang romantic film ang peg ng mga larawan nila Sofia at Daniel. Kinunan ang kanilang mga larawan sa loob ng isang eroplano na makikita sa Palacio de Memoria, isang napakagandang mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Daniel.

Sa kanyang suot na pink blush tone gown ay masasabi mong napakaganda at mukhang isang tunay na prinsesa si Sofia.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Tila nahanap na rin ni Sofia ang kanyang prince charming sa katauhan ni Daniel. Suot ang kanyang leather jacket ay napakakisig at gwapo ni Daniel na talaga namang nababagay sa sweet at soft features ni Sofia.

Sa isang larawan naman na in-upload ni Sofia ay makikita ang malalim nilang pagtitinginan ni Daniel.

Sa mga sumunod naman na larawan ay makikita ang pagmamahal at paghanga ni Daniel sa aktres.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Dahil mukha silang mga karakter sa isang pelikula kaya naman napatanong ang aktres kung anong nababagay na title sa kanilang pelikula.

“What’s the title of our movie?,” tanong pa ni Sofia sa caption ng kanyang Instagram post.

Marami namang netizen ang nagbigay ng kanilang sariling opinyon at suhestiyon sa nababagay na pamagat ng pelikula nina Sofia at Daniel. Narito ang mga nakakatuwa at malikhaing pamagat na naisip ng netizens kung magiging isang pelikula man ang love story nina Sofia at Daniel:

“Safe Haven”

“Romeo and Juliet: Millenial Era”

Credit: @iamsofiaandres Instagram

“The prince and the princess”

“Forever After All”

“The moment I fell in love with you”

Samantala, maraming netizen naman ang nakapagsabi na parang “prenuptial photo shoot” na umano nina Sofia at Daniel ang pre-birthday photo shoot ni Baby Zoe.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

“Looks like prenup”

“Prenup? Hahaha”

“kelan kaya ang kasal”

“Hala pre nup na ba to.”

“Akala ko prenup”

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Taong 2017 nang unang magkita sina Sofia at Daniel sa isang bar sa Taguig. June ngayong taon naman nang isapubliko nina Sofia at Daniel ang kanilang relasyon. Sa parehong buwan din ay inanunsyo ni Sofia na siya ay isa nang ganap na ina.

The post Mga sweet picture nina Sofia Andres at boyfriend na si Daniel Miranda, nagpakilig sa mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments