May nakakatawang tugon si Luis Manzano sa komento ng isang netizen na hindi alam na anak siya ni “Star for all Seasons” Vilma Santos-Recto

Kilala ng lahat si Luis Manzano bilang kuwela at mahilig magbiro. Kamakailan nga ay kinatuwaan ng maraming netizens ang naging tugon ni Luis sa komento ng isang netizen na ngayon lamang umano natuklasan na ina niya si “Star for All Seasons” Vilma Santos-Recto.

Credit: Luis Manzano Instagram

Nitong November 3, sa ika-67 taong kaarawan ni Vilma ay binati siya ni Luis. Binati ni Luis ang kanyang Mommy Vilma sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga letrato nila sa Instagram. Sa caption ay sinabi ni Luis, “Happy birthday Momski!! @rosavilmasantosrecto, stay safe and healthy! Love you!!”

Credit: Luis Manzano Instagram

Sa comment section, ay bumuhos ang mga birthday greeting ng mga kaibigan at kasamahan ni Luis sa showbiz. Kabilang sa bumati kay Vilma ang longtime girlfriend ni Luis na si Jessy Mendiola, aktres na si Sylvia Sanchez at si actress-vlogger-host Alex Gonzaga.

Credit: Luis Manzano Instagram

Ngunit maliban sa mga birthday greeting ng mga kasamahan ni Luis sa showbiz, nakakuha rin sa atensyon ng lahat ang komento ng isang netizen. Ipinapahiwatig kasi ng nasabing netizen sa kanyang komento na ngayon lamang niya natuklasan na ina ni Luis si Vilma. Komento ng netizen, “ay sya pala ang mama mo kuya luis”. May kasama pang “surprised emoji” ang komento ng netizen.

Hindi naman pinalagpas ni Luis ang pagkakataon na ipakita ang kanyang pagiging kuwela at mapagbiro. Isang nakakatawang komento ang sinulat ni Luis bilang tugon sa sinabi ng nasabing netizen.

Credit: Luis Manzano Instagram

Ani Luis, “@miselducs- kapitbahay ko lang sya, nagkataon momski tawag ko sa kanya at sa kanya ako galing.”

Maraming netizens naman ang nag-react sa nasabing komento ng netizen. May isang netizen ang kinwestiyon ang sinabi ng nasabing netizen. Aniya, “@miselducs ay grabe 30+yrs na ngayon mo lang nalaman, di nga? OMG”

Credit: Luis Manzano Instagram

Isang tagahanga naman ni Luis ang nagkomento na hindi umano niya alam ang magiging reaksyon niya sa komento ng nasabing netizen. Saad ng netizen, “@miselducs di ao sureness kung matatawa or maiinis sayong comment eh. Maiintindihan pa kita kung ang edad mo nasa 16yrs old pababa. KC reasonable na maaring hindi mo talaga alam. Apiiirrrr”

Komento pa ng isang tagahanga ni Luis, “@miselducs Sus, naman, Ngayon mo lang alam? Matagal na silang mag-ina.”

Credit: Luis Manzano Instagram

Gayunpaman, ipinagtanggol ng isa pang tagahanga ni Luis ang nasabing netizen. Aniya, “@miselducs malay nyo di niya talaga alam dahil di siya chismosa at wala siyang pakialam kung sino mga nanay ng mga artista…lol pakialam ba naman niya sa mga nanay ng celebrity.”

Para sa karamihan nakakagulat talaga ang naging rebelasyon ng nasabing netizen. Bata pa lamang kasi Luis ay palagi na siyang nakikita kasama ang kanyang Mommy Vilma. Sa sobrang sikat din ng kanyang Mommy Vilma at ng kanyang ama na si Edu Manzano ay hindi na nakapagtataka na kilala siya ng marami.

The post May nakakatawang tugon si Luis Manzano sa komento ng isang netizen na hindi alam na anak siya ni “Star for all Seasons” Vilma Santos-Recto appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments