Marian Rivera, sinagot na ang tanong kung papayagan ang anak na si Zia na pumasok sa pag-aartista

May sagot na si Kapuso actress Marian Rivera sa mga nagtatanong kung papayagan ba nila ni Dingdong Dantes na sumunod sa kanilang yapak bilang isang artista ang kanilang panganay na si Maria Letizia.

Credit: @marianrivera Instagram     

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na “Marian Rivera” inamin ni Marian na nagtatanong na si Zia sa uri ng trabaho na ginagawa nila ni Dingdong.

Credit: @marianrivera Instagram

Kwento pa ni Marian, “Actually, siyempre ito ang trabaho namin at ito ang realidad na nakikita nila. Lalo na ngayon pumasok siya…Sinasabi ko kanina, ‘ba’t daw ako nagme-make-up? Ba’t daw ako nakaayos? Ba’t daw ako naka-dress? Sabi ko, ‘Anak, kasi meron akong interview online’. Sabi niya, ‘About what?’ About dun sa Tadhana’. Naaalala mo ‘yung shinoot namin ni Dada downstairs?’ Sabi niya, ‘Ah, okay.'”

Credit: @marianrivera Instagram

Ayon pa kay Marian, “aware” umano si Zia na artista ang kanyang mga magulang. Ani pa ni Marian, hindi umano nila maitatago kay Zia ang trabaho nila bilang artista dahil mahal umano nila ang kanilang trabaho at ito ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Credit: @marianrivera Instagram

Ani Marian, “So, aware siya sa nangyayari. So parang hindi naman pwedeng ikaila ‘yun at pigilan mo siya kung anong nakikita niya dahil ‘yun ang ginagawa namin. Ito ang buhay namin at dito kami nabubuhay. Ito ang trabaho na alam namin at mahal namin na trabaho mag-asawa.”

Sinabi rin ni Marian na naka-depende pa rin kay Zia kung gugustuhin nitong pumasok sa showbiz at sumunod sa kanilang yapak bilang artista.

Credit: @marianrivera Instagram

Paglalahad pa ni Marian, “So, depende ‘yun sa kanya kung gugustuhin niyang mag-artista.”

Mahalaga rin umano para sa kanya na hingin muna ang opinyon ng anak kung ano ang gusto at ayaw nitong gawin.

Saad ni Marian, “Naniniwala ako na kailangan tinatanong ko din ‘yung emosyon niya. Ayaw ko kasing pinipilit ‘yung ang anak ko sa mga bagay na ayaw niya… dapat gusto niya ‘yung ginagawa niya. “

Credit: @marianrivera Instagram

At kung gugustuhin man daw ni Zia na mag-artista, kailangan muna raw nitong magtapos sa pag-aaral bago nila ito hayaang magdesisyon sa mga gusto nitong gawin.

Saad pa ni Marian, “Kung hindi mapigilan at susunod sa yapak bilang artista, eh, isa lang naman ang sinasabi namin…ibibigay ko lang ‘yung sinabi ng mga magulang ko din, ‘magtapos ka muna ng pag-aaral anak bago mo gawin ang mga gusto mong gawin.'”

Credit: @marianrivera Instagram

Dagdag ni Marian, “Siyempre, susuportahan namin siya 100% nasa likod niya kami kahit anong desisyon ang gustuhin niya.”

Credit: @marianrivera Instagram

Sa huli, ay ibinunyag ni Marian na sa ngayon mas gusto umano ni Zia na maging singer. Aniya, “Pero as of now, gusto niyang maging singer…Kanta ng kanta with acting pa.”

The post Marian Rivera, sinagot na ang tanong kung papayagan ang anak na si Zia na pumasok sa pag-aartista appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments