Arjo Atayde, masayang nagdiwang ng kanyang 30th birthday kasama ang kanyang pamilya at girlfriend na si Maine Mendoza

Ngayong araw, November 5, ay masayang ipinagdiriwang ni TV actor Arjo Atayde ang kanyang ika-30 taong kaarawan.

Credit: Arjo Atayde Instagram    

Isang simpleng handaan ang ginanap sa bahay ng aktor kung saan ay masaya niyang nakasama ang mga mahal niya sa buhay.

Kabilang dito ang kanyang mga magulang na sina TV actress Sylvia Sanchez at Art Atayde pati na rin ang kanyang mga kapatid. At siyempre hindi mawawala sa kanyang espesyal na araw ang kanyang nobya na si “Eat Bulaga” host Maine Mendoza.

Credit: Arjo Atayde Instagram

Sa Instagram account ni Sylvia, ay ibinahagi niya ang ilang larawan kuha mula sa birthday celebration ng kanyang panganay na anak.

Sa mga larawan makikita si Maine na masayang-masaya habang nakikipagbonding sa buong pamilya ni Arjo.

Credit: Arjo Atayde Instagram

Mababakas din ang kasiyahan sa mukha ni Arjo dahil kumpleto ang kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang kaarawan.

Sa caption ng kanyang Instagram post ay sinabi ni Sylvia, ” kasi alam kong masayang masaya ka❤ Maligayang kaarawan sayo🍺🍷🍺Love you💋💋💋 #family #happiness #grateful #blessed #thankuLORD Happy morning🥰😍😘

Nag-post naman si Maine ng isang collage ng mga sweet at cute picture nila ni Arjo kuha mula sa isang photobooth.

Nakakatuwang tingnan ang celebrity couple sa kanilang iba’t ibang sweet at funny poses. Simpleng mga heart emoji lamang ang inilagay ni Maine sa kanyang caption na sapat na para ipahayag kung gaano niya kamahal ang nobyo.

Credit: Maine Mendoza Instagram

Samantala, isang mahabang Instagram post naman ang sinulat ni TV host-actress Ria Atayde para batiin ang kanyang kuya ng maligayang kaarawan.

Saad ni Ria sa kanyang post, “Because even when I’m at my craziest, I know I’ll always have you to help calm me down and understand me. Happiest birthday to my ultimate best friend in life and to my favorite older brother.”

Credit: Jojo Atayde Instagram

Dagdag ni Ria, “Thank you for making life funnier, easier, more colorful, more fun and more intense. I find comfort knowing that I’ll always have you to hold my hand through everything I go through in life (because you don’t have a choice lol).”

Birthday wish ni Ria para sa kanyang kuya, “My wish for you is for all your wishes and plans to come true — regardless, know that I’ll always be with you. Love you, freak! Cow and Chicken always forever 🤟🏼

Credit: Jojo Atayde Instagram

Ngayong darating na December ay ipagdiriwang nina Maine at Arjo ang kanilang ikadalawang taong anibersaryo bilang magkasintahan.

The post Arjo Atayde, masayang nagdiwang ng kanyang 30th birthday kasama ang kanyang pamilya at girlfriend na si Maine Mendoza appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments