Xian Lim, ipinasilip ang kanyang napakagandang 40 na taong gulang na bahay

Sa pamamagitan ng isang house tour vlog ay ipinasilip ni Kapamilya hunk-actor Xian Lim ang kanyang napakagandang bahay na ayon sa kanya ay 40 taong gulang na.

Pinaghalong modern, 70’s at 80’s ang desenyo at mga kagamitan na makikita sa bahay ni Xian mula sa kanyang lumang Piano hanggang sa kanyang modern style long dining table.

Credit: XIAN LIM YouTube

Unang ipinakita ni Xian ang living area ng bahay na napapalibutan ng iba’t ibang artwork niya at ng kanyang lola.

Ayon kay Xian, wala siyang masyadong binago sa desenyo ng living room ng bahay maliban sa pinataasan niya ang ceiling nito para magmukhang malaki ang espasyo.

Credit: XIAN LIM YouTube

Kwento pa ni Xian, “Right when we moved in, ganito na siya. Wala siyang partition. Wala siyang anything. Ang major lang na nabago sa bahay na ‘to was the high ceilings kasi dati isang palapag lang talaga siya.”

Dagdag niya, “But when we moved in, we’re like, taasan natin ang ceiling para mas spacious tingnan ‘yung lugar.”

Credit: XIAN LIM YouTube

Ikwenento rin ni Xian na mahilig siya sa mga natural o precious stones kaya naman highlight din ng kanyang living room ang kanyang napakagandang TV stand na gawa mula sa Onyx, isang klase ng natural stone.

Ibinida rin ni Xian ang kanyang unang nabili nang lumipat siya sa bahay 10 taon na ang nakakalipas na isang napakalaking Amethyst Crystal na isa ring uri ng stone.

Credit: XIAN LIM YouTube

Sa kabuuan, napaka-cozy tingnan at mayroong homey vibe ang living area ng bahay ni Xian.

Credit: XIAN LIM YouTube

Sunod na ipinakita ni Xian ang kanyang attic kung saan siya madalas nagchi-chill at nakikipagkwentuhan kasama ang kanyang mga kaibigan.

Credit: XIAN LIM YouTube

Kagaya ng kanyang living area ay halo-halo rin ang makikitang accessories at furnitures sa attic.

Credit: XIAN LIM YouTube

Ayon kay Xian, mahilig daw talaga siyang ihalo ang mga bagay-bagay na makikita sa kanyang bahay.

Credit: XIAN LIM YouTube

Aniya, “I kind of like mixing the whole place up. Ayaw ko ‘yung parang modern lang tayo or eclectic lang. Gusto ko halo-halo ‘yung mga bagay.”

Nakatulong din umano ang pagkuha niya ng mga interior designer para maayos niya nang mabuti ang pagdedesenyo ng kanyang bahay.

Credit: XIAN LIM YouTube

Ani Xian, “Another huge help by the interior designers when they came by the house was they helped me fix this place up kasi sabi ok nga, I wanted an area to be able to chill.”

Mula naman sa kanyang balcony area na nagsisilbi ring lanai area ay makikita ang lap swimming pool ng aktor.

Credit: XIAN LIM YouTube

Kilala si Xian na mahilig mag-swimming kaya ipinagawa niya ang lap pool. Katabi lang ng lap pool ang kanyang sariling gym equipment.

Sa dining area ng bahay ay main attraction ang nabiling modern sleek long dining table ni Xian.

Credit: XIAN LIM YouTube

Sa huling bahagi ng video, ipinasilip ni Xian ang kanyang mga sasakyan kabilang ang unang kotse na nabili niya.

Samantala, sa part 2 ng kanyang house tour ay ibabahagi naman ni Xian ang ibang parte ng kanyang bahay.

The post Xian Lim, ipinasilip ang kanyang napakagandang 40 na taong gulang na bahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments