Ryza Cenon, isa nang ganap na mommy sa anak nila ng kanyang cinematographer boyfriend!

Labis ang kasiyahan ni Kapamilya actress Ryza Cenon sa pagdating ng kanyang unang baby sa partner na si Miguel Antonio Cruz.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram      

Isinilang ni Ryza ang kanilang first baby ni Miguel nitong October 31 na pinangalanan nilang Night. Sa pamamagitan ng isang Instagram post inanunsyo ni Ryza ang pagdating ng kanilang baby boy. Ibinahagi ni Ryza ang isang letrato kung saan makikita ang maliliit na kamay ng kanilang bagong silang na anak.

Sa caption ay sinabi ni Ryza na ‘worth it’ umano ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan sa panganganak.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Aniya, “10/31/20- Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night!!!🥰

Nag-post din sa kanyang Instagram account si Miguel ng isang letrato kung saan makikita siyang karga si Baby Night.

“10/31/20 ❤❤❤ Our little bundle of joy is finally here. 📷 by mommy @iamryzacenon,” caption ni Miguel sa kanyang IG post.

Credit: @miguel.antonio.cruz Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para kina Ryza at Miguel mula sa mga kasamahan nila sa showbiz. Kabilang sa mga nagagalak sa pagdating ni Baby Night sina Isabel Oli Prats, Vaness Del Moral, Ara Mina at Dawn Zulueta.

Komento ni Isabel, “Maam!!! Congratulations”

Saad naman ni Vaness, “Congratulations!!!!!”

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Ani Ara, “Wow congrats Ryza! Welcome to motherhood”

“Congratulations, Anak!,” sabi naman ni Dawn.

Matatandaang nitong July 1 lamang ibinalita ni Ryza ang kanyang pagbubuntis at sa panahong iyon ay limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Marami naman ang excited na makita ang itsura ng kanilang anak na pinili munang hindi ipakita nina Ryza at Miguel.

Samantala, sa isang artikulo na inilathala ng PUSH, sinabi ni Ryza na wala pa umano siyang balak na magpakasal kahit pa handa na umano si Miguel na pakasalan siya. Ayon sa aktres, gusto raw kasi niyang mag-pokus muna sila ni Miguel sa kanilang baby.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Ani Ryza, “Siya [Miguel], ready pakasalan ako. Me kasi, I think it’s too early for that pa. Focus muna kami sa baby. We are doing the reverse, baby muna bago kasal. Hehehe!”

Gusto rin ng aktres na gawin muna nilang matatag ni Miguel ang pundasyon ng kanilang relasyon bago magpakasal. Ayaw daw kasi ni Ryza na magpakasal dahil lang sa nabuntis siya ni Miguel.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Kwento pa ni Ryza, “As parents, we can have time to know more about each other and build a stronger foundation. Ako kasi, ayoko ng ganoon na dahil nabuntis mo lang ako, saka mo lang ako papakasalan. Napilitan ka lang ba? Mauuwi lang ‘yon sa hiwalayan. Sayang lang. Kawawa lang ‘yung baby. Kapag sure na sure na kayo o sobrang strong na ‘yung foundation ng relationship n’yo, saka na magpakasal.”

June noong nakaraang taon nang unang magkita si Ryza at si Miguel na isang cinematographer. Niligawan umano siya ni Miguel ng pitong buwan bago niya ito opisyal na naging nobyo.

The post Ryza Cenon, isa nang ganap na mommy sa anak nila ng kanyang cinematographer boyfriend! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments