Bonggang Halloween costumes ng Pinoy celebrity kids, pinusuan at kinaaliwan ng mga netizen

Naging isang tradisyon na para sa mga hinahangaan nating artista at ng kanilang mga anak na magbihis ng iba’t ibang Halloween costumes para gawing masaya at espesyal ang pagdiriwang nila ng Halloween.

Ngayon taon, kahit may banta pa rin ng c0vid ay hindi nagpapigil ang ilan sa mga kilalang Pinoy celebrity at celebrity kid na magbihis ng kanilang Halloween costumes na talaga namang kinaaliwan ng maraming netizen.

Sa kanyang unang Halloween, ay nagbihis bilang isang cute fairy ang first baby ng mag-asawang Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amèlie.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ayon naman kay Coleen Garcia, hindi raw talaga niya papalampasin ang pagkakataon na ipagdiwang ang Halloween ngayon taon dahil unang Halloween umano ito nila ng asawang si Billy Crawford na kasama ang kanilang napakagwapong baby boy na si Amari Jaden.

Mga karakter sa TV show na “Winnie The Pooh” ang naisip na gayahin ng celebrity couple. Nagbihis bilang si Tigger si Billy, samantalang si Coleen naman si Piglet. Siyempre main character ang kanilang anak na si Baby Amari na nagbihis bilang si Pooh.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Bagay na bagay naman sa anak nina TV actress Sofia Andres at professional car racer Daniel Miranda na si Baby Zoe ang suot nitong Snow White costume. Mistulang isang tunay na Disney princess si Baby Zoe sa kanyang knitted Snow White dress.

Credit: Sofia Andres Instagram

Pinusuan naman ng maraming netizen ang letrato ng napakagandang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia dahil sa kanyang Disney princess look. Litaw na litaw ang taglay na kagandahan ni Zia sa kanyang Princess Jasmine look ng Disney movie na “Aladdin”.

Credit: @marianrivera Instagram

Napakagwapo naman ng anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III sa kanyang suot na orange onesie na may pumpkin design.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Cute na cute naman sa kanyang paniki costume ang kapapanganak pa lamang na “miracle baby” ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma na si Baby Fiore.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Kinabog naman ng pamilya nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang lahat sa kanilang “Alice in Wonderland” themed-costumes. Halatang pinaghandaan ng pamilya ang kanilang susuotin ngayong Halloween.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Kung awra at tindig lang ang pag-uusapan ay kuhang-kuha ni Scarlet Snow ang kanyang napiling karakter sa pelikula na si Red Queen. Ang kanyang Mommy Vicki naman ay nagbihis bilang si Mad Hatter at ang kanyang Daddy Hayden bilang Knave of Hearts.

The post Bonggang Halloween costumes ng Pinoy celebrity kids, pinusuan at kinaaliwan ng mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments