Baby Tali, pinabilib ang netizens nang magbilang sa wikang French

Ilang araw bago ang kanyang ikatatlong kaarawan ay pinabilib ng anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria ang netizens nang magbilang ito sa wikang French.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Matatandaang ngayong November 6 na ang ikatatlong kaarawan kaya naman sobrang proud mommy ni Pauleen dahil sa murang edad may ibang wika nang alam si Baby Tali.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Sa Instagram nitong October 19, ay ipinost ni Pauleen ang cute video ni Baby Tali habang nagbibilang ng 1-10 sa wikang French.

Sa video ay mapapanood na hindi lamang simpleng pagbibilang ang ginawa ni Baby Tali dahil nakakabilib din ang French accent nito.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Hindi naman maiwasan ni Pauleen na ibahagi sa lahat ang kanyang kasiyahan sa bagong achievement ng kanyang anak.

Aniya sa caption ng Instagram video, “Happy start of the week from this sweet girl! Only a few days left before you turn 3 years old! 🤍Also, yesterday she learned how to count in french! Sharing it with you so swipe! 🤍🤍🤍

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Nagbahagi rin si Pauleen ng isang larawan ni Baby Tali suot ang isang cute dress.
Talaga namang nagbibigay good vibes sa netizens si Baby Tali dahil sa umaapaw na cuteness nito.
Mapapawi rin ang pagod mo sa nakakah@wang ngiti nito.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Sa katunayan, sa comment section ng Instagram post ni Pauleen ay bumuhos ang samu’t saring komento ng mga netizen.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Komento ng netizens:”Grabe time flies so faaaastt!!! Turning 3 na siya? Seems like yesterday lang. qt!”
“very good naman this so cute baby””Hi tali!!!! Kagigillll sarap hug hug and kisss”
“cute cute mo tlga tali…saraaappp mong kagatinnnnn stay safe””Ang galing naman baby sarap mo din i hug!”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Samantala, kamakailan lamang ay nagsalita na si Vic tungkol sa mga pambabatikos na natatanggap ni Baby Tali mula sa ilang netizen.


Sa kanyang panayam sa programa ni Jessica Soho na “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ay inamin ni Vic na hindi niya binibigyan ng pansin ang mga taong nagsasalita ng negatibo tungkol sa kanyang bunsong anak. Ang mahalaga raw kasi ay maraming tao ang napapasaya ni Baby Tali.

Ani Vic, “Ang importante naman, higit na nakararami ‘yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay. Tapos ‘yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon.”

The post Baby Tali, pinabilib ang netizens nang magbilang sa wikang French appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments