Napakagandang anak ni Carlo Aquino na si Baby Enola Mithi, isang buwang gulang na!

Maituturing na isang lucky charm ang pagdating ng munting anghel na si Baby Enola Mithi Aquino, sa buhay ngayon ng mahusay na aktor na si Carlo Aquino.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram     

Matapos i-anunsyo ni Carlo sa publiko ang kaniyang pagiging isang ganap na ama kay Baby Enola, naging daan naman ito para sa aktor na ibahagi ang cuteness at charm na naibibigay ng kaniyang anak sa kanilang dalawa ng kasintahan na si Trina Candaza.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Ngayon na isang buwang gulang na si Baby Enola, maraming netizen ang nag-abang at excited na siya ay masilayang muli, kaya naman naisipan nila Carlo at Trina na gawan na rin ng Instagram account ang kanilang anak.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Mula sa mga pictures at videos nito, ay talaga namang pangigilan mo ang kaniyang cuteness at nanaising titigan na lamang ang mga larawan nito.

Isa sa mga video na talaga namang makakapagbigay ng kakaibang ngiti, ay ang matamis na ngiting hatid ni Baby Enola habang nakatingin sa kaniyang Mommy Trina.

“Mommy making me laugh and Me making her happy 😄

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Bukod pa dito hindi naman din mawawala ang kanilang bonding time ng kaniyang Daddy Carlo sa tuwing inaalagaan siya nito.

Makikita sa larawan ni Baby Enola na nakasuot ito ng isang Personal Protective Equipment (PPE), habang siya ay karga-karga ni Carlo sa isang clinic para sa 1st vacc!ne nito.

“Done with my first vaccine 💉 wearing my PPE again 😊 (Daddy also cried when he saw me crying because of the inject!on 😬)”

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Makikita sa caption na tila`y naiyak din umano ang aktor, na makitang umiyak si Baby Enola dahil sa inject!on.

May pagkakataon din naman na kahit sa pagtulog ni Baby Enola, ay makikita pa din ang pagiging charming at matamis na ngiti nito na tila`y maganda ang kaniyang panaginip.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

“Dreaming of better days.”

Ang pagdating ni Baby Enola sa buhay ni Carlo at Trina ay isang magandang panimula at pag-asa, na magsisilbi bilang kanilang lucky charm sa pagbuo ng isang masayang pamilya.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

“You can thank your stars all you want, but I’ll always be the lucky one..”

The post Napakagandang anak ni Carlo Aquino na si Baby Enola Mithi, isang buwang gulang na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments