Aktor na si Buboy Villar nagpanggap bilang isang taong grasa para i-prank ang kaibigang si Jelai Andres

Isang panibagong prank na naman ang masasaksihan na ginawa ng isang Kapuso actor na si Buboy Villar na siyang mapapanuod ang buong kaganapan sa YouTube channel nito.

Credit: Buboy Villar YouTube          

Isa si Buboy sa mga child star noon na nakitaan na ng angking galing at husay pagdating pa lamang sa pag-arte.

Credit: Buboy Villar YouTube

Mula sa kasikatan na kaniyang tinatamasa ngayon, naging daan na rin ito para kay Buboy na pasukin ang pagba-vlog sa tulong kaniyang kaibigan na isa ring sikat na vlogger ngayon, na si Jelai Andres. Kaya naman ng simulan na ni Buboy ang paggawa ng iba`t-ibang video content, hindi na kataka-taka na umabot na ng isang milyon ang mga supporters at subscribers ng aktor sa kaniyang YouTube channel.

Credit: Buboy Villar YouTube

Dahil sa tulong at impluwensya ni Jelai sa kaniya na simulan na ang pagba-vlog, naging daan ito para kay Buboy upang magpursige at simulang mahalin ang kaniyang trabaho ngayon. At upang pasalamatan si Jelai sa tulong at kabutihan na ipinakita nito sa aktor, naisipan ni Buboy na mas gawing exciting ang kaniyang pasasalamat sa pamamagitan ng isang prank.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa prank na kaniyang ginawa ay naisipan niyang magpanggap bilang isang taong grasa at upang maisakatuparan ang kaniyang plano, humingi siya ng tulong sa kaniyang kapatid pati na rin sa kanilang kaibigan na sina Joel at Divine.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa pagdating ni Jelai sa kanilang meet-up place ay agad ng sinimulan ni Buboy ang kaniyang planong prank para sa kaibigan at sinimulan na ang paglapit sa kanilang kotse.

Credit: Buboy Villar YouTube

Upang lubos na mapaniwala si Jelai sa pagpapanggap ng aktor, gumawa ng kuwento ang kaibigan nila na si Joel at sinabing matagal na umano itong pagala-gala sa kanilang lugar.

Credit: Buboy Villar YouTube

Mula sa video, makikita naman ang takot na takot na ekspresyon ni Jelai, habang sinasabihan si Joel na huwag buksan ang bintana ng kanilang kotse na sinasakyan.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa kabila man ng takot na nararamdaman, hindi naman maitatago ang pagkabusilak ng kalooban ni Jelai at naisipang bigyan ng pagkain at pera ang inakalang taong grasa na si Buboy.

Credit: Buboy Villar YouTube

At nang makita ni Buboy na may mga kawani ng barangay ang balak umanong kunin siya, doon na naisipan ng aktor na ipakilala ang kaniyang sarili kay Jelai at sabihin na prank lamang ang lahat.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa pagtatapos ng kaniyang video, lubos na pinasalamatan ni Buboy si Jelai sa mga naging tulong nito para sa kaniya.

The post Aktor na si Buboy Villar nagpanggap bilang isang taong grasa para i-prank ang kaibigang si Jelai Andres appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments