Heart Evangelista, nag-react sa mga lumang video niya at inaming ‘maarte’ na talaga siya mula pa noon

Madalas nating makita si TV actress-model at fashion icon Heart Evangelista sa telebisyon at sa social media na magaling magdala sa kanyang sarili at hindi nawawala ang poise. Subalit may mga pagkakataong din naman na nahihiya rin si Heart sa kanyang sarili.

Credit: Love Marie Escudero YouTube      

Nitong October 17 lamang, ay ibinahagi ni Heart ang isang video kung saan mapapanood siyang napapayuko nalang habang pinapanood ang mga lumang video niya sa internet.

Pinamagatan ni Heart ang kanyang vlog na “Reacting to Old Videos of Myself on the Net”.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na panonoorin at magbibigay ng reaksyon si Heart sa kanyang mga lumang video.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Ang unang video na pinanood ni Heart ay isang birthday celebration dance production sa ASAP kung saan mapapanood siyang sumasayaw kasama ang kanyang love team noon na si John Prats at ibang artista.

Unang video pa lang ay agad nang napa-‘yuck’ sa kanyang sarili si Heart.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Sa sunod na video naman ay may ibinunyag si Heart tungkol sa kanila ni John na aniya, ay madalas umano niyang makasama noon.

Kwento ni Heart, “We were like the love team. He was my M.U.”

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Naalala pa nga ng aktres ang petsa kung kailan sila naging M.U. ni John.

Ani Heart, “I remeber our [date they became MU] was 02-02-02 ‘nung naging MU kami nu’ng bata kami.”

Credit: Heart Evangelista Instagram

Dagdag naman ni Heart, “But that fizzled out, we’re friends now though. We’re just very comfortable with each other. So, yeah”

Sa sumunod na video naman ay ipinalabas naman ang ilang video clips mula sa kanyang mga teleserye at pelikulang pinagbidahan.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Aminado si Heart na noon pa lang ay ‘maarte’ na raw siya. Aniya, “See, proof na maarte talaga ako dati pa. I was just being true myself. Buti nalang minahal n’yo ako kahit ganyan ako.”

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Huling nag-react si Heart sa isang lumang @mbu$h interview niya kung saan ay tinanong siya tungkol sa kanyang relasyon sa asawa na niya ngayon na si dating senator Chiz Escudero. Ayon kay Heart, hindi raw talaga niya nagustuhan ang nasabing interview.

Pagbabalik-tanaw ni Heart, “I didn’t want this interview. Ayoko kasi ma-jinx. Kasi every time I go out and admit something naji-jinx o kaya may parents obviously think na, ‘Naku, seryoso na. It’s time to end it. So, kunware nonchalant lang…”

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni Heart na kahit maraming bagay man ang nagbago, hindi naman umano siya nagbago at siya pa rin ang dating maarteng Heart lumipas man ang napakaraming taon.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Mensahe naman ni Heart hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa lahat, “And I’m just so happy that, thank God, everything turned out to be very very good. So kapit lang, kapit lang, everything’s gonna end up well.”

The post Heart Evangelista, nag-react sa mga lumang video niya at inaming ‘maarte’ na talaga siya mula pa noon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments