Kilalanin ang “Bawal Judgmental” contestant na tumanggap ng biyaya mula sa namayapang aktor na si AJ Perez

Mula sa kaniyang husay at galing sa pag-arte, tiyak na ika`y mapapabilib na sa kaniyang murang edad pa lamang ay marami ng tao ang nagbigay ng kanilang suporta at paghanga sa aktor na si AJ Perez.

Credit: @kowalerts Instagram      

Kaya naman nang dumating ang hindi inaasahang pangyayari kay AJ, tila`y ganoon na lamang ang lungkot na naramdaman ng kaniyang mga taga-hanga.

Credit: @kowalerts Instagram

Ngunit sa kabila man ng pamamaalam ng aktor, nagsilbi din itong pag-asa at bagong panimula sa dalawang taong kaniyang natulungan na mabigyan ng paningin at masilayan ang ganda ng paligid.

Credit: @kowalerts Instagram

At noong Martes, October 27 ay nasilayan ng publiko ang isa sa mga natulungan ni AJ na mabigyan ng paningin na isang 17 taong gulang na si John Daniel delos Santos.

Mula sa segment na ‘Bawal Judgmental’ na siyang mapapanood sa noontime show na Eat Bulaga, ay nakasama si John Daniel sa isa sa mga naging contestant ng naturang programa.

Credit: Eat Bulaga! YouTube

Ayon sa kaniya, walong taong gulang pa lamang siya noon nang mapansin na tila`y may problema sa kaniyang paningin.

“Isang mata lang po iyong gumagana sa akin kaya po nahihirapan po ako. ‘Pag nagbabasa po ako, sumasakit ang ulo ko,”

Credit: Eat Bulaga! YouTube

“Tapos hindi po alam kung ano ‘yung cause po nun. Siguro daw po, alikabok daw po ‘tapos nakusot ko, or baka daw po nakalmot ko ng kuko ko,”

Dahil dito ay naisipan ng magulang ni AJ na i-donate ang org@ns pati na rin ang c0rnea ng kanilang anak sa Eye Bank Foundation of the Philippines, na siyang kinabilangan din ni John Daniel nang mapasama ito sa mga waitlisted ng c0rnea donation.

Credit: Eat Bulaga! YouTube

“Sa parents po ni Kuya AJ, saka sa kanya po mismo, maraming maraming salamat po kasi napakalaking tulong po sa akin nung cornea niya po,”

At dahil dito labis ang naging pasasalamat ni John Daniel sa aktor at sa magulang nito para sa malaking tulong na ibinigay nila para sa kaniya.

Credit: Eat Bulaga! YouTube

“Habambuhay po na pasasalamat sa kanila po dahil malaking tulong po ito hanggang paglaki ko.”

Bukod pa kay John Daniel, napunta din ang isang c0rnea ni AJ sa isang 28 na taong gulang na si Lawrence Villanueva.

Credit: @kowalerts Instagram

Si AJ Perez ay bahagi ng ABS-CBN’s Star Magic Batch 13. Namaalam ang aktor sa edad na 18 dahil sa naganap na aks!dente sa Moncada, Tarlac noong April 17, 2011.

The post Kilalanin ang “Bawal Judgmental” contestant na tumanggap ng biyaya mula sa namayapang aktor na si AJ Perez appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments