Pagkatapos maging isang beauty queen, ito na ngayon ang buhay ni Janina San Miguel

“I don’t feel any pressure right now.” Isang katagang tiyak na pamilyar na sa iyong pandinig at makapagbibigay ngiti sa iyong mga labi.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram        

Nakilala ang Pinay Beauty Queen na si Janina San Miguel bilang isa sa mga “most remarkable and controversial beauty queens”, matapos mag-viral sa social media ang kaniyang sagot sa naging katanungan sa kaniya noong siya ay sumali sa Bb. Pilipinas taong 2008.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Tila`y ang taong iyon ang pinakamasaya at malungkot na kaganapan para sa beauty queen, dahil matapos makamit ang titulo bilang Bb. Pilipinas World 2008, ito din ang panahon na panandaliang pamamaalam ng kaniyang Lolo.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

“Ang balak pa nila, ayaw nilang sabihin sa ‘kin na ‘yung lolo ko mamamatay na because I’m in the middle of training. So ayaw nilang parang madistract ako,”

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Dahil dito napagdesisyunan ni Janina na umalis sa limelight at piniliing makapiling ang kaniyang pamilya at lumugar sa tahimik na pamumuhay kasama ang mga ito.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

“Nakuha ko na ‘yung experience. But other than that, wala na. To tell you honestly, I was really not happy at that time. For me, much important ‘yung family ko rather than fortune and fame.”

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Taong 2014 naman, mula sa edad na 24 ay isa na ring ganap na ina at asawa si Janina at kinasal siya sa kaniyang partner na isang Indian National na si Vishal Shota.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

At matapos ang labing dalawang taon, ang dating beauty queen ay mas matapang ng hinarap ang pagsubok ng buhay at sinimulang gumawa ng panibagong pangarap kasama ang kaniyang pamilya ngayon.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Mula sa pagiging isang beauty queen, ay nahilig rin si Janina sa pagluluto kaya naman naging daan din ito para sa kaniya upang mas mahasa pa ang kaniyang cooking skills at mag-aral sa Enderun College.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Kasalukuyang din namang nagta-trabaho si Janina sa isang multi-national company bilang isang call center agent.

The post Pagkatapos maging isang beauty queen, ito na ngayon ang buhay ni Janina San Miguel appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments