Ang edukasyon at ang diploma na nakamit ang pinakamahalagang bagay na hindi mananakaw ng kahit na sino man.
Sa kabila ng kasikatan ay may mga artista pa din na tinapos ang kanilang pag-aaral upang makamit ang kanilang mga diploma at karangalan.
• Carla Abellana
Si Carla Abellana ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts Major in Psychology at nakatanggap ng karangalan bilang Cum Laude sa De La Salle University sa Manila.
• Eugene Domingo
Ang aktres at komedyante na si Eugene Domingo ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts Major in Theatre Arts sa University of the Philippines sa Diliman na naging daan sa kanya upang makapasok sa showbiz at makilala sa mainstream at indie films.
• Enchong Dee
Ang kilalang aktor naman na si Enchong Dee ay nakapagtapos ng Development Studies sa De La Salle University at naging parte ng swimming team ng kanilang unibersidad.
• Karylle Tatlonghari
Ang It’s Showtime host at singer na si Karylle ay isang consistent dean’s lister noong kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Management Major in Communications Technology Management sa Ateneo de Manila University.
• Venus Raj
Ang beauty queen na si Venus Raj ay nakapagtapos naman sa kursong Bachelor of Communication Arts Major in Journalism at nagtamo ng karangalan bilang Cum Laude sa Bicol University. Siya din ay nakapagtapos ng master’s degree sa University of the Philippines sa kursong Community Development noong 2017.
• Chris Tiu
Ang sikat na basketball player na si Chris Tiu ay nakatanggap ng karangalan bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering sa Ateneo de Manila University.
• Alex Gonzaga
Ang aktres at TV host na si Alex Gonzaga ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Child Development and Education sa University of Asia and the Pacific.
• Marian Rivera
Ang sikat na aktres na si Marian Rivera na kinikilala bilang “Primetime Queen” ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University sa Dasmariñas Cavite.
• Robi Domingo
Ang sikat na TV host na si Robi Domingo ay nakapagtapos sa Ateneo de Manila University sa kursong Bachelor of Science in Health Sciences noong 2012.
Ang mga artistang ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa kanilang mga taga-hanga na sa kabila ng kanilang pagiging abala sa showbiz ay binibigyan pa rin nila ng oras at halaga ang edukasyon.
The post Ito pala ang mga tinapos na kurso at pinasukang eskwelahan noong kolehiyo ng ilang sikat na mga artista appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments