Masasabi nga naman nating walang permanenteng bagay sa mundo. Kung ikaw ay nahih!rapan ngayon, hindi naman ibig sabihin nito na ikaw ay magiging mah!rap ka habambuhay. Hanggat ikaw ay nagsumimikap at nagsisipag, walang imposible at maaabot mo ang iyong mga pangarap.
Isang ehemplo dito si Jayvee Lazaro Badile II. Si Jayvee ay isang living proof na walang imposible sa taong nangangarap. Basta’t ibuhos mo lamang ang iyong oras, sipag at tiyaga ay magbubunga ang lahat ng ito kalaunan.
Gaya na lamang ng post na ipinakiya ni Jayvee. Ipinasilip niya sa atin ang kanilang noche buena picture sa kanilang lumang bahay noong 2012. Habang ang kanilang last noche buena noong 2019 ay iba na ang kanilang setting at napakaganda nga naman ng kanilang bagong buhay.
Mahal na mahal ni Jayvee ang kanyang mga magulang. Malaki ang kanyang pasasalamat dahil kahit siya ay adopted lamang ay randam na randam na niya na siya ay kanilang tunay na anak sa aruga at pagmamahal.
“When Nanay and Tatay ad0pted me, it wasn’t a go0d life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter. Wala kaming maayos na tulugan, kainan, liguan at palikuran. Kaya now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine!” sambit niya.
Makikita ang bunga ng kanyang paghihirap na bahay na ito sa Bocaue, Bulacan. 3 story mansion ang nasabing bahay at talagang makikita mo nga namang napakaganda nito na may porch sa second floor at roof deck sa top floor.
Bukod sa bahay na kanyang ipinagawa, isa din sa mga bunga ng kanyang tagumpay ay ang kanilang pamamasyal sa iba’t ibang mga lugar. Kasama ang kanyang pamilya ay nakapamasyal ma sila sa ibang bansa gaya ng Dubai, Australia, at New Zealand.
Kaya naman, inspirasyon si Jayvee sa lahat ng mga taong nangangarap at may sipag at tiyaga.
The post Isang lalakeng nangarap na magkaron ng maayos na buhay noon, nakapagpatayo na ng isang napakagandang bahay para isurpresa ang kanyang pamilya appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments