Carol Banawa, nagsisilbing inspirasyon ngayon matapos magtapos sa kanyang kursong nursing sa edad na 39

Pinatunayan ni dating Kapamilya singer Carol Banawa na walang pinipiling edad ang pag-aaral.
Sa kanyang edad kasi na 39, ay nakamit ni Carol ang kanyang Bachelor’s Degree in Nursing sa Grand Canyon University sa Amerika.

Ibinahagi ni Carol ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong October 17.Sa kanyang Instagram post, ay ibinahagi ni Carol ang kanyang graduation photo.

Credit: Carol Banawa instagram

Isa-isa namang pinasalamatan ni Carol ang lahat ng tao na sumuporta at naniwala sa kanya na makakamit niya ang kanyang pangarap na makuha ang kanyang bachelor’s degree. Kabilang dito ang kanyang asawa at mga anak.

Credit: Carol Banawa instagram

Ani Carol, “Another goal achieved! ❤Thank you mahal, for working so hard for us which allowed me to pursue my studies..thank you for always pushing me, supporting me and believing in me ❤ Thank you to my children for always being patient with Mama, for understanding the times that I have to stay in front of the computer to finish my posts, papers and projects..I love you all so much ❤

Credit: Carol Banawa instagram

Dagdag ni Carol, “To my Papa, Mama, Kuya and Ate, I finally did it! This is for you guys ❤ Thank you for always believing in me..I hope you are all proud of me. I love you all so much❤To my relatives and friends who have always supported me, cheered for me, and celebrated with me..thank you, I miss you all and I love you all!”

Credit: Carol Banawa instagram

Sa huli ay nag-iwan ng isang mensahe si Carol para sa katulad niya na nangangarap din makapagtapos ng kanilang pag-aaral.Aniya, “Bachelor’s degree before 40. You are never too old to reach for your dreams! Dream it. Believe it. Do it. Conquer it. To GOD be the GLORY!!!❤

Samantala, ayon sa artikulong inilathala ng PUSH, una nang nakuha ni Carol ang kanyang Associate of Science Degree in Nursing taong 2018 sa Northern Virginia Community College kung saan ay nagtapos siya bilang summa cum laude.

Credit: Carol Banawa instagram

Ayon din sa nasabing artikulo, nagtatrabaho na si Carol bilang isang nurse bago pa man niya kunin ang kanyang bachelor’s degree.Matatandaang taong 2003 naman nang iwan ni Carol ang kanyang career bilang singer sa bansa para permanenteng tumira sa Amerika kasama ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo at ang kanyang dalawang anak.

 

View this post on Instagram

 

Another goal achieved! ❤ Thank you mahal, for working so hard for us which allowed me to pursue my studies..thank you for always pushing me, supporting me and believing in me ❤ Thank you to my children for always being patient with Mama, for understanding the times that I have to stay in front of the computer to finish my posts, papers and projects..I love you all so much ❤ To my Papa, Mama, Kuya and Ate, I finally did it! This is for you guys ❤ Thank you for always believing in me..I hope you are all proud of me. I love you all so much❤ To my relatives and friends who have always supported me, cheered for me, and celebrated with me..thank you, I miss you all and I love you all! Bachelor’s degree before 40. You are never too old to reach for your dreams! Dream it. Believe it. Do it. Conquer it. To GOD be the GLORY!!!❤ #BSN #gcu2020 #universityhonors

A post shared by Carol Banawa (@iamcarolbanawa) on

Nitong September 12 lamang din nang inanunsyo ni Carol na buntis siya sa ikatlong anak nila ni Ryan.
Isang sonogram ng kanyang ipinagbubuntis ang ibinahagi ni Carol sa Instagram.Ayon sa petsa na nakalagay sa larawan, inaasahang ipapanganak ni Carol ang ikatlong anak nila ni Ryan April sa susunod na taon.

The post Carol Banawa, nagsisilbing inspirasyon ngayon matapos magtapos sa kanyang kursong nursing sa edad na 39 appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments