Lovi Poe, masayang nakabalik sa Amerika para makasama ang kasintahan na si Monty Blencowe

Isa si Lovi Poe sa mga tinitiningilang aktres sa henerasyon na ito. Bukod kasi sa kanyang anking ganda, napakafit at s3xy pa nito at galing pa sa pag-arte ni Lovi. Makikita ito sa mga teleserye at mga pelikula ni Lovi na inabangan ng lahat.

Credit: Lovi Poe instagram

Pero, sa likod ng pagiging isang aktres ni Lovi ay isa ding mapagmahal na kasintahan sa kanyang boy friend na si Monty Blencowe. Isa sa mga challenges na kanilang hinarap bilang magkasintahan ay ang long distance relationship. Habang si Lovi ay narito sa Pilipinas, ang kanyang boyfriend ay nasa Unites States.

Credit: Lovi Poe instagram

Kaya naman, lubos ang tuwa nilang dalawa dahil matapos ang ilang panahon ay nagkita na sila. Reunited na muli ang love birds dahil lumipad si Lovi patungong America.

Credit: Lovi Poe instagram

Siyempre, quality time together ang dalawa. Siguradong excited ang dalawa sa isa’t isa at talagang sinusulit nila ang bawat panahon na magkasama.Sa kanilang video na ibinabahagi sa social media, makikita ang kanilang daily bonding. Si Lovi ang nagluluto ng breakfast para sa kanilang dalawa at sarap na sarap naman talaga si Monty.

Credit: Lovi Poe instagram

Isa din sa kanilang pinagkakaabalahan at bonding na rin ay ang kanilang pagwoworkout. Hilig din kasi talaga ni Lovi ito dahil minamaintain niya ang kanyang fit body. At syempre, kasama niya dito ang kanyang boyfie.

Credit: Lovi Poe instagram

Bukod pa dito, isa din sa mga bonding nila ay ang pagstay sa terrace habang nagkakape at tanaw ang mga napakagandang view ng paligid. Talaga nga namang maaamaze at kikiligin ka dito dahil nakikita mo ang ganda ng paligid habang kasama ang taong mahal na mahal mo.

Credit: Lovi Poe instagram

Nang tanungin naman sila kung paano sila tumagal sa lobg distance relationship, komunikasyon at pagtitiwala daw ang malaking bagay sa kanilang relasyon.Ang patuloy at open communication nila at pagiging tapat sa isa’t isa ang lalong nagpatibay at nagpalalim sa kanilang relasyong dalawa.

Credit: Lovi Poe instagram

The post Lovi Poe, masayang nakabalik sa Amerika para makasama ang kasintahan na si Monty Blencowe appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments