Assunta de Rossi, isinilang na ang unang anak nila ni Jules Ledesma na hinintay nila ng halos 20 taon

Isinilang na ni TV actress Assunta de Rossi ang una nilang anak ni Jules Ledesma na pinangalanan nilang Giulia Fiorentina Alessandra at mayroong palayaw na “Fiore”. Ang “Fiore” ay isang Italian word na nangangahulugang “flower”.

Credit: @assuntaledesma Instagram

 

Sa Instagram account ng family friend ni Assunta na si Jun Lalin, ay masaya niyang ibinahagi na nanganak na nga ang aktres 7:06 AM ngayong araw, October 23.

Ani Jun sa caption, “Congratulations @assuntaledesma and @julesledesma so happy, finally nandito na si Baby Fiore”

Credit: Jun Lalin Instagram

Ipinaabot din ni Assunta, na mayroong timbang daw na 5 pounds at 12 ounces si Baby Fiore nang kanyang isilang sa pamamagitan ng “elective CS at 38 weeks due to my0ma uteri” sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.

Matatandaang halos 20 taon din ang hinintay nina Assunta at Jules bago dumating sa kanila ang kanilang unang anak.

Kaya ganon na lamang ang kanilang pananabik pati na rin ng kanilang pamilya at kaibigan na masilayan na si Baby Fiore.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Para sa mag-asawa, itinuturing nilang “miracle baby” si Baby Fiore dahil hindi umano talaga nila inaasahang mag-asawa na magbubuntis sa normal na paraan si Assunta.
Mayroon kasing my0ma at end3metr!osis si Assunta, na karaniwan nang gyn3col0gical d!$or3r ng mga kababaihan.

Kabilang sa mga taong sabik na rin sa pagdating ni Baby Fiore ang nakababatang kapatid ni Assunta na si TV actress Alessandra de Rossi.

Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi rin ni Alessandra kung gaano siya kasaya para sa kanyang ate Assunta na isa ng ina.

Isang larawan ang inupload ni Alessandra kung saan ay makikita si Assunta sa tabi ng kanyang napakagandang anak.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Para kay Alessandra, ang larawan ng kanyang ate Assunta kasama ang anak nito ay ang pinakamagandang larawan umano na nasilayan niya sa tanan buhay niya. Tunay naman talaga dahil kitang-kita sa larawan na naluha pa si Assunta dahil sa pagdating ng kanyang anak.

Caption ni Alessandra sa Instagram post, “This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. ❤🥺🙏🏻 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best! Congratulations @assuntaledesma @julesledesma ❤ and of course to the new granny na mas oa pa sa naganak, @ermatsko 🤣🤣🤣 THANK YOU LORD 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Credit: Alessandra de Rossi Instagram

Agad namang bumuhos ang pagbati para sa mga bagong magulang. Komento ng netizens:

“Wow! Congratulations Miss Assunta 🙏🏻🙏🏻🙏🏻♥♥♥

“Congratulations Assunta 😍😍😍😍

“Yay congrats”

Credit: @assuntaledesma Instagram

“Kamukha mo..omg Beautiful”

Matatandaang May ngayong taon nang masayang inanunsyo ni Assunta ang kanyang pagbubuntis.

Samantala, 16 na taon nang mag-asawa sina Assunta at Jules. Ikinasal sina Assunta at Jules noong 2004.

The post Assunta de Rossi, isinilang na ang unang anak nila ni Jules Ledesma na hinintay nila ng halos 20 taon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments