Alice Dixson, nagbigay ng house tour ng kanyang bahay sa napakagandang isla ng Boracay

Ang Isla ng Boracay ay isa sa tinaguriang ‘Best Island in the World’ na dinadagsa ng karamihan dahil sa angking kagandahan nitong white sand beach at night life na dinadagsa ng maraming bakasyunista.

Credit: Alice Dixson YouTube

Hindi naman nagpahuli ang aktres na si Alice Dixson nang mabighani rin sa kagandahan ng isla at naisipang ipatayo ang kanyang munting tahanan na matatagpuan dito.

Credit: Alice Dixson YouTube

Sa kabila man ng pagiging pribado ni Alice sa kanyang buhay ay ibinahagi ng aktres sa publiko ang itinuturing nya na 2nd home na matagal ng nire-request ng kanyang ng mga followers.

Credit: Alice Dixson YouTube

“Despite being a celebrity I do consider myself to be a private person. So when I share snippets of my life it’s very personal,”

Credit: Alice Dixson YouTube

“But since I’ve been getting endless requests for decades now – this weekend I’m sharing with you exclusively what my 2nd home is like.”

Credit: Alice Dixson YouTube

Unang ipinasilip ni Alice ang kanyang garahe na kung saan ay makikita ang isang white van na nakaparada dito at isang motorsiklo na kanyang namang ginagamit sa tuwing sya ay naglilibot sa isla. Sunod namang ipinakita ng aktres ang kanilang pool area na matatagpuan malapit sa kanilang garden.

Pagpasok naman sa kaniyang tahanan ay sasalubong sayo ang isang daanan na magtutungo naman sa kanilang kitchen.

Credit: Alice Dixson YouTube

Sunod namang ipinakita ng aktres ang kaniyang guest room na pinupuntahan ng aktres sa tuwing gusto nyang magrelax, na ayon sa kanya ito ang favorite spot nya sa loob ng bahay.

Credit: Alice Dixson YouTube

Ipinakita din naman ni Alice ang guest room at kanyang balkonahe na kung saan ay matatanaw ang mala-paraisong tanawin ng isla ng Boracay.

Credit: Alice Dixson YouTube

Huling ipinasilip ng aktres ang master’s bedroom na ayon kay Alice ay tila isang “modern island style” mula sa disenyo ng naturang kwarto.

Credit: Alice Dixson YouTube

Sa huling bahagi ng kanyang video ay isang secret passage naman ang kanyang ipinakita na magtutungo sa kanilang secret hideaway beaches.

Credit: Alice Dixson YouTube

Sa pagtatapos ng kanyang vlog ay isa namang sweet message ang isinulat ni Alice sa buhanginan at inilagay ang mga katagang, “I love u 🙂”.

The post Alice Dixson, nagbigay ng house tour ng kanyang bahay sa napakagandang isla ng Boracay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments