Bugoy Cariño, ikwinento ang mga malaking pagbabagong pinagdaanan nang ganap na maging isang ama

Matapos magwagi bilang grand winner ng Star Circle Kids Quest noon, naging daan ito para sa aktor na si Bugoy Carino na mabigyan ng oportunidad na makilala at mahalin ng publiko.

Credit:Bugoy Cariño Instagram    

Isa sa kaniyang mga naging proyekto noon ay ang unang teleserye na kaniyang pinagbidahan na “E-Boy” noong taong 2012 at ang pagsali din niya sa Goin` Bulilit.

Bukod sa kaniyang angking husay sa pag-arte, nakitaan din ng galing at talento si Bugoy pagdating sa pagsasayaw.

Credit:Bugoy Cariño Instagram

Matapos ang ilang taon na mamahinga sa showbiz, isang balita naman ang inanunsyo ni Bugoy na siyang gumulat sa publiko.

Matatandaan na noong September 4 kasabay ng kaniyang ika-18th birthday, nang aminin ni Bugoy ang kaniyang pagiging isang ganap na ama, sa kanilang 1st baby sa kaniyang kasintahan na isang UAAP volleyball player ng UST na si EJ Laure.

Credit:Bugoy Cariño Instagram

At ngayon na isa ng ganap na magulang si Bugoy, hindi naging madali para sa kanila ni EJ ang kanilang mga pinagdaanan, lalo na ngayon na may supling na silang inaalagaan.

Credit:Bugoy Cariño Instagram

Isa umano sa mga natutunan ni Bugoy pagdating sa paggastos at paghahawak ng pera, ay ang pag-iipon at pagsaalang-alang ng mga bagay na kailangan bilhin para sa kanilang baby.

“Mag-save ka ng mag-save ng money, tapos wag masyadong maluho. Dapat yung luho mo sa baby mo na, hindi na sayo.”

Ang pinabagong yugto na ito para sa kanila ay naging daan para kina Bugoy at EJ na gampanan ang kanilang tungkulin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak.

Credit:Bugoy Cariño Instagram

“Dati kunyari nagpaplano kami na mag-mall ganun tapos lalabas kami makikipag kita kami sa mga kaibigan namin, ngayon hindi na. parang sasabihin namin na ‘ay wait lang wala kasing magbabantay sa baby’,”

Marami man ang hindi pabor sa kanilang relasyon, isinisantabi na lang nilang dalawa ito at mas pinagtutunan ng pansin ang pag-aalaga sa kanilang baby.

Credit:Bugoy Cariño Instagram

“Kasi si Bugoy, parang ever since talaga wala siyang pake sa sasabihin ng ibang tao. So parang nung nagtagal-tagal yung relationship naming parang natutunan ko na ding dedmahin, di ko na pinapansin sasabihin ng ibang tao. Basta ang importante kung anong meron sa aming dalawa, at saka yung kay Baby”

The post Bugoy Cariño, ikwinento ang mga malaking pagbabagong pinagdaanan nang ganap na maging isang ama appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments