Yassi Pressman, inaming para siyang naging robot dahil sa pinagbibidahang teleseryeng ‘Ang Probinsiyano’

Inamin ng aktres na si Yassi Pressman na dumating siya sa puntong parang naging ‘robot’ siya dahil sa kanyang busy schedule bilang si Alyanna, ang ka-loveteam ni Coco Martin o ni Cardo Dalisay, sa isa sa mga longest running primetime show ng Kapamilya network na ang ‘Ang Probinsiyano’.

Credit: Yassi Pressman Instagram    

Sa Facebook Live interview ng host na si Tim Yap kay Yassi at sa kapatid nitong si Issa Pressman, inamin ni Yassi na naramdaman niya dati na para siyang robot dahil sa paulit-ulit na routine niya sa kanyang trabaho. Dahil din dito ay nawalan na siya ng oras na sumayaw o mag-perform.

Matatandaang bago pa siya naging cast ng ‘Ang Probinsiyano’ ay nakilala si Yassi ng lahat dahil sa kanyang galing sa pagsayaw at pagkanta. Regular din siyang napapanood noon sa Sunday noontime show ng ABS-CBN na ‘ASAP’.

Credit: Yassi Pressman Instagram

Ngunit ayon kay Yassi simula nang naging parte siya ng ‘Ang Probinsyano’ ay nasubsob na siya sa pagtatrabaho at wala na siyang panahon pa na gawin ang mga bagay na ginagawa niya noon.

Aniya, “Kasi now that I’ve had the time to process what I truly feel…Kasi it got to a point where I was just like a robot, na I was just working tik-tok-tik-tok-tik-tok. ‘This is what I have to do. This is what I have to do. Tomorrow, the next week, blah, blah. I had it all planned, and then I would just do it.”

Credit: Yassi Pressman Instagram

Ngunit simula nang natigil muna pansamantala ang taping ng ‘Ang Probinsiyano’ dahil sa p@ndemya ay maraming napagtanto si Yassi kabilang na nga rito ang kagustuhan niyang sumayaw o mag-perform ulit.

Napagtanto ni Yassi kung gaano niya kamahal ang mga dating ginagawa at hangad niya na magawa niya ulit ang mga bagay na mahal niyang gawin kagaya ng pagsasayaw at pagkanta.

Credit: Yassi Pressman Instagram

Ani Yassi, “It made me realize that I do love what I used to do, and I do miss it, and I hope I can create more soon.”

Kahit naman subsob sa trabaho si Yassi ay nagpapasalamat pa rin ito sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa ‘Ang Probinsiyano’.

Credit: Yassi Pressman Instagram

Ikinuwento ng 25 taong gulang na aktres na marami siyang natutunan mula sa mga kasamahan niya lalo na sa mga beteranong artistang nakatrabaho niya sa show.

Credit: Yassi Pressman Instagram

Pagkukuwento niya, “Sobra talaga. And all of the people around us din, they are so giving na hindi lang acting yung ibinibigay nila. They even guided me through real life, and we pick up, we become a real family. Sobrang thankful din ako sa natutunan ko from the actors.”

 

The post Yassi Pressman, inaming para siyang naging robot dahil sa pinagbibidahang teleseryeng ‘Ang Probinsiyano’ appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments