Alex Gonzaga, biglang naging emosyonal habang nagshoshoot kasama ang ate niyang si Toni

Madalas na nangyayari sa pamilya ang paghahambing sa pagitan ng magkakapatid. Hindi ito nangangahulugan na dahil marami na silang nakamit sa buhay ay nahuhuli na tayo sa kanila. Normal lang na mas marami na silang na-achieve dahil mas matanda sila kaya’t malayo na rin ang narating nila sa buhay.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube     

Ganito rin ang naging karanasan ni vlogger-actress Alex Gonzaga nang dumating sa kanyang buhay na ikinumpara niya ang kanyang sarili sa kanyang ate Toni.

Sa pinakabagong vlog ni Toni Gonzaga ay naging emosyonal si Alex lalo nang balikan niya ang mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang career.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Nagkuwento si Alex na madalas niyang ikumpara ang sarili sa ate niya. Pinagmulan nga raw ng kanyang pagtatampo sa kanyang Mommy Pinty ang atensyon na ibinibigay nito sa ate Toni niya.
Pero ngayon napagtanto ni Alex na pantay lang ang ipinapakitang pagmamahal sa kanila ng kanilang magulang.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

“Dati iniisip ko na parang hindi ko makukuha ‘yung pagtingin nila katulad ng pagtingin nila sa ate. Ngayon, na-realize ko parang mas mahal pa nila ako kasi never nilang ginawa sa ate ‘yung lumabas sa vlog kahit sa interview.”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Ikinuwento rin ni Alex ang isang pagkakataon kung saan ay naisip niyang wala siyang mararating sa buhay kung wala ang ate Toni niya.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Aniya, “Nung nagbasa ako ng bible, naisip ko dati na, ‘Lord, pano po kung wala na ang ate ko? Hindi na ako mabe-bless katulad nung sa kanya’, kasi feeling ko nga I’m only just an extension of her blessing.”
Ngunit natigil lang ang pagkukumpara ni Alex sa kanyang sarili sa ibang tao nang magsimula siyang mag-vlog. Kuwento ni Alex na masaya siya sa pagba-vlog dahil naipapakita niya ang kanyang tunay na sarili.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ani Alex, “So sa vlogging, binigyan niya ako ng venue to show who I really am. Meron freedom to be creative, to express what I want.”

Ibinahagi rin ni Alex na umiyak siya noon sa kanyang fiancee na si Mikee Morada habang nagkukuwento na gusto niyang ma-appreciate siya ng kanyang Mommy Pinty at ngayon nga ay nararanasan na ito ni Alex.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ani Mikee kay Alex noon, “Ano ka ba last year umiiyak ka sakin tas sabi mo gusto mo ma-appreciate ka ng parents mo. Kasi dati ang mommy mo, ‘O ganto yun sa ate mo dati, so gusto mo ba yun ganto?’ Laging may comparison. Ngayon you get what you want.”

Ibinahagi rin ni Alex na “answered prayer” niyang maituturing ang kanyang subscribers.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sa huli, ay sinabi ni Toni kay Alex na, “I’ve always been proud of you”. Ikinuwento rin nito kung paanong ang simpleng pagsasabi niya na proud siya sa kapatid, ay naghahatid ng luha sa mga mata ni Alex.

The post Alex Gonzaga, biglang naging emosyonal habang nagshoshoot kasama ang ate niyang si Toni appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments