Tignan ang nakakatawang tugon ni Baby Summer sa sinabi ng kanyang amang si Paolo Contis habang nagbabasa sila ng libro

Ang pagiging magulang ay hindi isang madaling trabaho. Isa sa mga pinakamahalagang responsibilidad na ginagampanan nila ay turuan at gabayan ang mga anak sa kanilang pag-aaral. Sila rin ang siyang una at pinakamahalagang guro ng isang bata.

Credit: Paolo Contis Instagram      

Kaya sinisigurado ng aktor at vlogger na si Paolo Contis na nabibigyan niya ng atensyon ang pag-aaral ng kanyang isang taong gulang na anak na si Summer Ayanna.

Sa isang Instagram post, nagbahagi ng isang video si Paolo kung saan mapapanood siyang tinuturuan ang anak ng mga parte ng katawan.

Credit: Paolo Contis Instagram

Sa simula ay nakukuha pang sundan ni Baby Summer ang mga itinuturo ni Paolo. Mabilis din nitong nakikilala ang mga parte ng katawan kaya’t kung anong parte ng katawan ang sinasabi ni Paolo ay agad itong ipinapakita ni Baby Summer.

Bibong-bibo si Baby Summer na ipakita sa Daddy Paolo niya ang mga parte ng katawan na binabasa nito. Kagaya na lamang ng dila, mata, at tenga.

Credit: Paolo Contis Instagram

Ngunit nang sabihin ni Paolo na, “Show me your hand”, ay nagulantang ito sa naging tugon ni Baby Summer.

Imbes kasi “kamay” ang pagtuunan nito ng pansin ay napunta sa ibang parte ang atensyon ni Baby Summer sa picture-book na kanilang binabasa. Imbes na “hand” ay “d3de” ang nasabi nito.

Credit: Paolo Contis Instagram

Ani Paolo sa video, “Show me your hand”

Tugon ni Baby Summer habang itinuturo ang parte ng katawan ng bata, “D3de…”

Credit: Paolo Contis Instagram

Nagugulantang na saad naman ni Paolo, “Anong d3de?! Ba’t kasi nakahubad ‘tong batang ‘to. Hand daw hand, hindi d3de!”

Sa caption ng IG post ni Paolo, ikinuwento nitong tuwing linggo ay siya ang nakatokang magtuturo kay Baby Summer dahil sa ibang araw ay ang asawa naman nitong si Kapuso actress LJ Reyes ang nagtuturo sa anak.

Credit: Paolo Contis Instagram

Aniya, “Sunday is study day para sa amin ni Summer.. Kasi yung 6 days si @lj_reyes ang taga turo! 😂
Dagdag niya, “kailangan ko na yata ibahin ang curriculum ko! Masyadong matalino tong batang to! Kung anu ano nakikita!”

At dahil maiksi lang ang atensyon ng isang bata, kaya’t nang makita ni Baby Summer na natapos na nila ang isang libro ay agad itong tumayo at sinabing, “Done” at naghanap na agad ng ibang pagkakaabalahan.

Samantala, sa comment section ng naturang IG post ay nagkomento naman si LJ. Aniya, naloko raw si Paolo ni Baby Summer dahil madali nalang daw para sa anak ang librong kanilang binabasa.

Ani LJ, “Di mo alam niloloko ka lang nya kasi easy na sa kanya yang book na yan! nagoyo ka ng anak mo!”

Credit: Paolo Contis Instagram

Maraming netizen din ang natuwa sa mag-ama lalo na sa katalinuhan at pagiging cute ni Baby Summer.

“Haha favorite part ko yung pagkakasabi ni summer ng “done”

“Kacute bata”

“Super cute as always”

“Hahaha clever”

The post Tignan ang nakakatawang tugon ni Baby Summer sa sinabi ng kanyang amang si Paolo Contis habang nagbabasa sila ng libro appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments