Sa kanyang huling araw bilang isang Kapamilya ay naging emosyonal ang batikang mamamahayag sa radyo man o telebisyon na si Ted Failon.
August 31, 2020 ay tuluyan na ngang namaalam si Ted sa kumpanyang nagsilbing tahanan niya sa loob ng 30 taon.
Sa ‘Araw ng mga Bayani’, ay ang huling pagkakataon na masisilayan ng Pilipino ang isang Ted Failon sa TV Patrol. Ito ay bilang parte ng ‘retrenchment program’ o pagpapatalsik ng ilang empleyado na nag-ugat dahil sa hindi pagbibigay prangkisa ng kongreso sa ABS-CBN.
Sa kanyang huling appearance sa TV Patrol na ginawa sa pamamagitan ng Zoom App ay emosyonal na nagpaalam si Ted sa mga kasama niya sa ABS-CBN pati na rin sa sambayanang Pilipino.
Sa episode na ito ng TV Patrol na mapapanood online ay nagpasalamat din si Ted sa lahat ng bumubuo sa ABS-CBN kabilang dito ang kanyang mga kasamahan sa news program katulad nina Kabayan Noli de Castro pati na rin sa mga executives nito.
Ayon kay Ted, ‘hindi raw maubos-ubos ang kanyang mga luha’.
Sinamantala rin ni Ted ang pagkakataon na magbigay-pugay sa lahat ng mga manggagawa ng ABS-CBN na natanggal sa trabaho dahil sa ‘retrenchment program’.
Aniya, “Ngayong araw na ito ay bigyan ko ng pagkilala ang kabayanihan ng lahat ng mga manggagawa sa ABS-CBN na huling araw na maglilingkod sa network. Na-timing din sa araw ng mga bayani, kaya ang pagkilala sa lahat sa kanila dahil ang iba sa kanila, Kabayan ay umabot na ng higit 20 taon na paglilingkod sa kumpanya.”
Nagpasalamat naman kay Ted ang naging kasama niya gabi-gabi sa TV Patrol na sina Bernadette Sembrano, Gretchen Fullido at Kuya Kim.
Pinasalamatan din ng reporter na si Alvin Elchico si Ted dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.
Ani Alvin Elchico na siyang pumalit kay Ted sa TV Patrol, “Manong Ted, maraming-maraming salamat sa tiwala. Kung wala po ‘yung tiwala, hindi naman po ako nakaupo at nakatayo rito pati po sa programa sa DZMM. Thank you for the trust. And I will prove na katiwa-tiwala naman ako na umupo sa programa mo paminsan-minsan.”
Sa huli ay sinabi ni Ted, “Alam n’yo, I have never felt so loved. Sa totoo lang. Wala akong mahanap na salita para sabihin ang aking nararamdaman to say thank you to ABS-CBN.”
Noong August 31 din ang huling araw ni Ted sa kanyang radio program na “Failon Ngayon sa Teleradyo” kung saan ay binalikan nito ang kanyang unang araw sa ABS-CBN noong taong 1990 bilang news desk editor.
Samantala, napabalitaang TV5 na ang magiging bagong tahanan ni Ted.
The post Ted Failon, emosyonal na nagpaalam sa TV Patrol at sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 30 taon appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments