Kapamilya actor na si Xian Lim, nagbigay ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na lola

Natunaw ang puso ng Love Thy Woman actor na si Xian Lim nang masaksihan niya ang pagmamahal at pag-aalaga ng kanyang inang si Mary Anne Lim sa ina nitong kamakailan lang ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa s@kit.

Credit: Xian Lim Instagram       

Sa kanyang Instagram post nitong September 1, 2020 ay ibinahagi ni Xian ang isang larawan ng kanyang Mommy Mary Anne na binabantayan ang kanyang ina.

Bukod dito ay ikinuwento ni Xian sa IG post na tinitiyak talaga ng kanyang Mommy Mary Anne na maayos at masaya ang Lola ni Xian sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga nakakatawang videos dito.

Credit: Xian Lim Instagram

Ani Xian sa caption ng post, “@mommymaryanne in the picture is making sure lola is okay and telling her to keep still while showing her funny videos on her phone.”

Dahil sa nasaksihan ay binansagan ni Xian ang kanyang Mommy Mary Anne na “Super Mom”.
Aniya, “I witnessed her routine today. She is really a super mom.”

Credit: Xian Lim Instagram

Bilang isang anak ay natunaw ang puso ni Xian sa ipinapakitang pagmamahal ng kanyang Mommy Mary Anne sa ina nito. Na-realize ng Kapamilya actor ang pagsasakripisyo ng isang magulang para sa mga anak nito.

Sa IG post ay sinabi nitong, “Nakita ko ito kanina at natunaw ang puso ko. Ang iyong mga magulang ay mag-aalaga sa iyo hanggang sa magawa mong mag-isa hanggang sa isang araw, ikaw na ang magbabalik ng pabor.”

Credit: Xian Lim Instagram

Aniya, isang bagay na nakasanayan na nating bilang anak ang pag-aalaga sa ating mga magulang kapag matanda na sila bilang pasasalamat sa lahat ng alagang natanggap natin mula sa kanila.

Sa IG post ay nagbigay din ng isang qoute si Xian na talaga namang nagpapakita kung gaano kamahal ng aktor ang kanyang pamilya.

Aniya, “When we have each other, we have everything.”

Credit: Xian Lim Instagram

Samantala, nagpasalamat din si Xian sa lahat ng nagdasal at nagpahayag ng kanilang pag-aalala para sa kanyang lola.

Aniya, “Thank you to everyone that expressed their concern and included my grandmother in their prayers.”

Credit: Xian Lim Instagram

Masayang-masaya si Xian dahil bumubuti na ang kondisyon ng kanyang lola matapos ang oper@syon nito.

Mensahe ni Xian, “Thank you to everyone that expressed their concern and included my grandmother in their prayers.❤🙏 She’s doing a lot better now. Also, she really doesn’t like staying in one spot. She likes moving around, turning up her radio in full blast and doing crossword puzzles.”

Credit: Xian Lim Instagram

Natuwa at pinuri naman ng netizens si Xian dahil sa ipinapakitang pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

“Such love for your lola Xi..hope all grandchildren are like you. Know that we will continue to inlude lola in our prayers”

Credit: Xian Lim Instagram

“What a very nice tribute to your @mommymaryanne and Lola Leonie. Great examples that’s why you turned out a good son @xianlim”

The post Kapamilya actor na si Xian Lim, nagbigay ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na lola appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments