Pokwang, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa paglisan ng dating yaya ni Malia na tinuring na nilang pamilya

Maraming kwento na ang ating narinig at nabasa kung saan binibigyan ng labis na pagpapahalaga at pagmamahal ng mga sikat na artista ang kanilang mga kasambahay.

Credit: @itspokwang27 Instagram    

Isa nga rito sina comedian-actress at TV host Pokwang at ang partner nitong si Lee O’Brian na napamahal sa dating yaya ni Malia kaya’t ngayon ay ipinahayag nila ang labis na lungkot para sa pag-alis nito upang umuwi sa pamilya.

Sa pinakabagong vlog ni Pokwang, ikwenento niyang napagdesisyunan nilang pauwiin na sa pamilya ang dating yaya ni Malia na si yaya Gina. Nararamdaman kasi ni Pokwang na nag-aalala ito sa maliit pa nitong anak dahil sa p@ndemya.

Credit: PokLee Cooking Official YouTube

Ani Pokwang, “Yung dati naming yaya, si yaya Gina. Hindi naman lingid sa inyo na meron kaming isang best, the best yaya talaga. Since 5 months old si Malia siya na ‘yung nag-alaga kay Malia until nagkaroon ng problema,’yung pandemic. So, last March nag-decide ako na pauwiin sila kahit hindi siya nagsasabi.”

Credit: PokLee Cooking Official YouTube

Bilang isang ina, naiintindihan ng comedian-actress ang pag-aalala nito sa mga anak na naiwan. Aniya, “As a mother, I understand. Alam ko ‘yung nag-aalala sila sa pamilya nila. Especially yaya Gina meron siyang 3 years old na anak. Mas matanda lang kay Malia ng halos one-year old. So, naintindihan ko kahit hindi siya magsalita. Ako na ‘yung nag-decide at nagsabi na, if you want to go back to your family because of this p@ndemic, you can go home.”

Credit: PokLee Cooking Official YouTube

Sa kalagitnaan ng vlog, ay nagsalita si Lee dahil hindi na napigilan ni Pokwang ang kanyang emosyon at nagsimulang umiyak.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ani Lee, “We like Gina. Gina is good yaya. She’s very thoughtful, very hands on to Malia. And you know, we can really trust her. She’s just so focused on taking care of Malia.”

Dagdag niya, “It really made us feel so comfortable and it gave us an assurance that if we were seeing Malia watching her, at least we knew she is in good hands, being taken care of. And yeah, it’s just tough you know. We understand her situation but it’s like we really really like Gina a lot. She was great.”

Credit: PokLee Cooking Official YouTube

Sa huli, ay sinabi ni Pokwang na bukas pa rin naman ang kanilang tahanan sa dating yaya kung nanaisin nitong bumalik.

Ani Pokwang, “I miss her. Bukas naman ‘yung tahanan namin kung babalik siya. Alam ko nag-aalala lang siya sa maliliit niyang anak kaya hindi na siya makabalik.”

Credit: PokLee Cooking Official YouTube

Balik-trabaho na si Pokwang kaya’t kumuha ito ng bagong yaya para kay Malia. Nagkuwento si Pokwang kung gaano sila ka-swerte dahil nahanap nila si Donna na bagong yaya ni Malia na mabait at maasikaso rin.

Credit: PokLee Cooking Official YouTube

Samantala, sa naturang vlog din ay ipinagdiwang nina Pokwang ang kaarawan ni Donna kung saan ay ipinagluto pa niya ito ng handa para sa kanyang kaarawan.

The post Pokwang, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa paglisan ng dating yaya ni Malia na tinuring na nilang pamilya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments