PBB Otso Grand Winner na si Yamyam Gucong, ipinasilip ang kanyang simple ngunit masayang buhay sa probinsya

Tunay ngang simple ngunit masagana ang buhay sa probinsiya. Bukod kasi sa maraming naggagandahang tanawin na makikita rito, halos lahat din ng kailangan mo ay makukuha mo lang sa kalikasan.

Credit: Yamyam Gucong Instagram     

Sa pinakahuling vlog nga na ibinahagi ni “Pinoy Big Brother Otso” grand winner William ‘Yamyam’ Gucong ay proud nitong ipinakita ang buhay niya sa probinsiya.

Isinama ni Yamyam ang kanyang subscribers sa pag-aani niya ng mais at mani. Ipinakita rin ni Yamyam kung paano gumawa ng bigas gawa sa mais.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

“Alam n’yo ba na ang vlog na ito ay napaka-interesting. Alam mo bakit? Dahil bukod sa mayroon kang makain, mag-eenjoy ka pa sa pag-harvest mo ng mais. Bukod sa mais na iha-harvest natin ngayon mayroon din tayong iha-harvest na mani.” ani Yamyam sa unang bahagi ng vlog.

Nakilala ng lahat si Yamyam sa loob ng PBB house dahil sa pagiging masiyahin nito sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan. Dahil sanay sa hirap ay kakikitaan ito ng kasipagan.

Credit: YAMYAM’SVLOG YouTube

Sa vlog nga ay ikwenento ni Yamyam na kasipagan ang susi para hindi ka magutom sa probinsiya.
“Alam n’yo guys kapag nasa bukid talaga kayo, kapag nasa probinsya kayo. Walang dahilan para magutom ka. Basta masipag ka, hindi ka magugutom sa probinsya.”

Ibinahagi rin ni Yamyam na hanggang ngayon nagsasaka pa rin ang kanyang ama.

Credit: YAMYAM’SVLOG YouTube

“Alam n’yo ‘yung papa ko hindi nawawala ‘yung pagbubukid niya. Kasi ‘yung mga matatanda kasi kapag hindi sila makatrabaho sa bukid parang nanghihina sila. Kaya syempre yung papa ko patuloy pa rin siya sa pagbubukid. Nakihiligan niya kasing gawin eh. Parte na ng buhay niya, simula nang kabataan niya hanggang sa nagka-asawa siya,” ani Yamyam

Para naman sa kanya nirerespeto niya ang desisyon ng ama na magpatuloy pa rin sa pagsasaka. Mabuti rin daw kasi sa kalusugan ng ama ang pagsasaka dahil ito na raw ang nagsisilbing ehersisyo nito.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Samantala, simula nang tanghalin siyang PBB big winner ay malaki na nga ang pinagbago ng kanyang buhay. Pagkatapos ng PBB ay ipinalabas sa MMK ang kwento ng buhay ni Yamyam kung saan siya mismo ang gumanap bilang bida. Lumabas din siya sa ilang programa sa telebisyon kagaya ng “Home Sweetie Home”.

Ngunit sa kabila ng napanaluhan niyang pera, condominium unit, isang water refilling station package business sa PBB pati na ang kanyang mga proyekto sa telebisyon ay nanatiling mapagkumbaba si Yamyam.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Isa siyang inspirasyon sa lahat dahil hindi man naging madali ang kanyang tinahak na landas, dahil sa pagsisikap at pagpupursige nagawa niya pa ring marating ang tinatamasa niyang magandang buhay ngayon.

The post PBB Otso Grand Winner na si Yamyam Gucong, ipinasilip ang kanyang simple ngunit masayang buhay sa probinsya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments