Pagbabalik telebisyon ni Kris Aquino, hindi na matutuloy matapos daw siyang palitan ng producer ng show

Hindi na matutuloy ang inaabangang pagbabalik sa telebisyon ni Kris Aquino sa TV5 network.
Ito ang tahasang inamin ni Kris sa kanyang Instagram post nitong September 8.

Credit: Kris Aquino Instagram   

Inanunsyo ni Kris ang pagkakansela ng kanyang show sa TV5 na “Love Life with Kris” sa kadahilanang may ibang taong pinili ang producer ng programa para sa show.

Aniya sa IG post, “This is a life update post I wish I didn’t have to make, but it’s something I’m facing up to in order to truthfully move on. My hoped for TV comeback isn’t happening. The producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable. No sugarcoating from me, you’re getting the honest truth.”

Credit: Kris Aquino Instagram

Bukod sa hindi natuloy ang kanyang TV comeback ay napuno rin ng pangamba at takot si Kris para sa sarili at sa anak na si Bimby dahil may nakasalamuha silang nagp0sitibo sa c0v!d.

Sumailalim naman sa dalawang linggong str!ct qu@rantine sila Kris at Bimby. Negatibo rin ang naging resulta ng kanilang t3st kaya’t kahit papaano ay napanatag ang loob ni Kris.

Credit: Kris Aquino Instagram

Sa huli, ay sinabi ni Kris na sa ngayon pokus muna raw siya sa kalusugan niya at sa mga anak. Hindi man naibigay kay Kris ang hinihintay nitong TV comeback ay naniniwala siyang marami pang oportunidad na naghihintay sa kanya. Sa ngayon, pokus muna raw ito sa kung ano ang mga bagay na mayroon siya.

Ani Kris, “I would like to believe that I’m now a glass half full type of person. I no longer wish to focus on what’s not given, rather I am so very grateful for blessings, and YES, our health is the most precious one. I continue to have faith there will be opportunities —all in G0d’s perfect timing.”

Credit: Kris Aquino Instagram

Samantala, nag-reply naman si Kris sa komento ng isang netizen sa kanyang post.
Komento ng netizen, “Sabi po ikaw ang my problema not tv 5”

Tugon naman ni Kris, “@nevsgt yes, the problem was me- hindi nila ko bet.”

Matatandaang July 30 nang masayang inanunsyo ni Kris ang kanyang pagbabalik sa telebisyon sa bago nitong programa na “Love Life with Kris” sa ilalim ng TV5 network.

Maraming nag-aabang sa pagbabalik ni Kris dahil mahigit dalawang taon din itong nawala sa showbiz dahil sa iba’t ibang problemang kinakaharap nito.

Credit: Kris Aquino Instagram

Samu’t saring reaksyon naman ang natanggap ni Kris mula sa netizens.

“You deserve better. God has d best plan for you. Stay healthy!”

“The best is yet to come…im loyal Kris A. fan”

Credit: Kris Aquino Instagram

“Know that you are an inspiration to a lot of people”

“Im always here for you”

The post Pagbabalik telebisyon ni Kris Aquino, hindi na matutuloy matapos daw siyang palitan ng producer ng show appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments