Melai Cantiveros at Jason Francisco, binigyan ng makeover ang kanilang mga kasambahay

Binigyan ng isang makeover ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang mga kasama sa bahay.

Credit: Melason Official YouTube

Sa bagong YouTube vlog ng MelaSon ay ibinahagi nila ang ginawa nilang makeover sa kanilang tatlong kasambahay.

Pawang mga pinsan ni Melai ang tatlong mga katuwang niya sa bahay na siyang tumutulong sa kaniya sa pagluluto at pag-aalaga ng kanilang mga anak na sina Mela at Steya.

Credit: Melason Official YouTube

Una munang minake-over nina Jason at Melai ang buhok ng mga kasambahay na sina Jessa Mae, Maymay, at Catherine.

Credit: Melason Official YouTube

Katuwang ang kaibigan ni Jason na si Jeff ay kinulayan ng mag-asawa ang mga buhok ng tatlong kasambahay.

Bago kulayan ang buhok ng isa niyang kasambahay, ang actress-host pa mismo ang naggupit sa buhok nito.

Credit: Melason Official YouTube

Habang ginugupitan, ikinuwento ni Melai kung bakit blonde ang napili niyang ikulay sa buhok ni Jessa at binigyan pa niya ng pangalan ang style na ito ng hair color.

Ayon sa kaniya “Rebell!on look” daw ang tema ng kaniyang style sa paggupit at pagkulay ng buhok ng kasambahay. Ito ang napiling ipangalan ni Melai dahil daw sa lungkot na nararamdaman niya sa pagkakasara ng ABS-CBN network.

Aniya, “So dahil sa sobra kong lungkot sa ABS-CBN, magba-blonde din ako ng hair at hintayin n’yo ‘yan.”

Credit: Melason Official YouTube

Dagdag ni Melai, “Gusto ko ang kulay ng hair ko ay red, blue and green.”

Ayon pa kay Melai na napakahalaga talaga na marunong tayong maggupit ng ating mga buhok upang kung sasakaling mawalan tayo ng trabaho ay may ibang bagay pa tayong pwedeng gawin.

Credit: Melason Official YouTube

Ani Melai, “Importante talaga na matuto tayo ng mga ganito para ‘pag mawalan tayo ng trabaho marami tayong puwedeng gawin.”

Mapapansin naman sa vlog ang pagiging makuwento ng panganay na anak ni Melai. Dahil nakita niyang maiksi na ang buhok ng ate Jessa niya, nagkomento agad si Mela sa bagong hair-look ng kaniyang ate Jessa at sinabing kamukha raw nito si Mulan na isang disney character.

Credit: Melason Official YouTube

Sinabi ni Mela na gusto niya ring magpagupit ng buhok para raw ay maging si Mulan na rin siya.

“Dapat short ‘yong hair ko…Gusto ko pa mag-cut[ng hair] so maging Mulan ako,” kuwento pa ni Mela.

Credit: Melason Official YouTube

Masayang-masaya naman ang tatlong kasambahay nina Melai at Jason sa kinalabasan ng kanilang makeover. Ikinuwento kasi nila na medyo matagal-tagal na rin nang huli silang naayusan.

Sa huling bahagi ng vlog, hiningi nila Jason at Melai ang hatol ng kanilang mga anak sa final look ng kanilang ginawang makeover sa mga kasambahay.

Credit: Melason Official YouTube

Ang masasabi lang nila Mela at Steya ay magandang-maganda ang kanilang mga kasambahay.

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa ginawang kasambahay makeover ng MelaSon.

Credit: Melason Official YouTube

“Ito gusto na vlog, kompleto ang melason family, ang sayang panoorin”

“They are blessed and lucky kasambahay”

“Sobrang nakakasaya tong pamilyang melason nato”

The post Melai Cantiveros at Jason Francisco, binigyan ng makeover ang kanilang mga kasambahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments