Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, nagka-countdown na sa nalalapit na paglabas ng kanilang baby boy

Ilang araw nalang ang hinihintay ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia dahil any moment ngayong buwan ay isisilang na ng aktres ang kanilang unang baby.

Credit: Billy Crawford Instagram     

Sa kanyang Instagram ay nagbahagi ng isang larawan si Billy ng kaniyang misis na mukhang nag-lalabor na.

Aniya sa IG post, “Toughest and the strongest woman I know. Man am I blessed!”

Credit: Billy Crawford Instagram

Mensahe niya kay Coleen, “Thank you for everything my wonderful, beautiful, gorgeous and sexy pregnant wife.”

Dagdag niya, “My greatest view right here.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Dumagsa naman ang maraming komento mula sa mga kaibigan ng dalawa.

Komento ng TV host na si KC Montero, “Countdown na?”

Reply naman ni Billy, “@kcmontero AND YOU KNOW THIS…MAN!”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Ani naman ni Eruption na naging kasamahan dati nila Coleen at Billy sa Kapamilya noontime show na ‘It’s Showtime’, “She’s one helluva tough cookie bro! Keeper!”

Nag-komento rin ang Mixed Martial artist na si Brandon Vera, “#respect Kuya”

Excited na rin ang ilang netizens at nagbigay sila ng mensahe para kay Coleen.

“My prayers for a healthy delivery.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“have a safe delivery to you miss coleen godbless u”

“Excited to see baby crawford sana iupload niyo agad yung baby”

“Excited for the baby”

“relate. Ganyan din ako noon nung due ko na! Hindi malaman ang sakit ,kung saan hahanapin masakit mag labor”

Credit: Billy Crawford Instagram

Samantala, sa isang online interview na ginawa ni Tim Yap sa mag-asawang Billy at Coleen ay isinaad ni Coleen na pinili niyang manganak sa bahay.

Ayon sa interview, first option daw ni Coleen na ipanganak ang kanilang first baby sa pamamagitan ng “unmedicated water birth” ngunit dahil sa p@ndemya ay ‘on-hold’ muna raw ang prosesong ito ng panganganak.

Kaya’t napili niyang manganak nalang sa bahay. Gusto rin kasi nito na nasa tabi niya si Billy habang nanganganak.

Credit: Billy Crawford Instagram

Upang siguraduhin na maayos ang kaniyang delivery kasama ang isang medical team na kabilang ang isang midwife, isang nurse at doula.

On-call din daw ang OB nito kung sasakaling kailangan niyang ilipat sa hospital.

Credit: Billy Crawford Instagram

June ngayong taon nang inanunsyo nina Coleen at Billy sa pamamagitan ng isang virtual gender reveal party na baby boy ang kanilang magiging unang anak.

The post Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, nagka-countdown na sa nalalapit na paglabas ng kanilang baby boy appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments