Dating ‘Unang Hirit’ host na si Rhea Santos, masayang ibinalita na isa na siya ngayong ganap na news anchor sa Canada

Masayang ibinalita ng dating Kapuso news reporter at ‘Unang Hirit’ anchor-host na si Rhea Santos ang kanyang pagtatrabaho sa isang news company sa Canada.

Credit: Rhea Santos Instagram      

September 2 nang ibahagi ni Rhea sa kanyang Instagram ang isang larawan, kung saan ayon sa kanya ay kuha sa unang araw niya bilang isang broadcaster ng Canadian channel na OMNI Television para sa all-Filipino newscast nito.

Credit: Rhea Santos Instagram

Sa Instagram post ay sinabi ni Rhea, “Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada.”

Credit: Rhea Santos Instagram

Dagdag niya, “You will all meet the Filipino team of OMNI News in the coming days. It’s not only Filipinos and Fil-Canadian journalists making this possible. A big part are the Canadians and people of diverse backgrounds whom I’m given the opportunity to work with that make OMNI News Filipino Edition happen.”

Credit: Rhea Santos Instagram

Samantala, September 1 naman nang ibinahagi sa official Facebook page ng OMNI Filipino ang isang video kung saan ay makikita ang ilan sa mga reporter na bumubuo rito.

Sa video makikitang kasama rin ni Rhea na maghahatid ng balita abroad ang ilan pang dating mamamahayag sa Pilipinas kagaya ng dating ABS-CBN reporter na si Ron Gagalac at Marieton Pacheco pati na rin ang iba pang Pilipinong mamamahayag.

Credit: Rhea Santos Instagram

Matatandaang isa si Rhea sa mga pinakamatagal na sa mundo ng pamamahayag sa Pilipinas. Sa loob ng 19 taon niya bilang host at reporter sa GMA, ay marami na siyang natanggap na pagkilala. Kabilang dito ang prestihiyosong PMPC Star Awards for TV Best Morning Show Host para sa ‘Unang Hirit’ at PMPC Star Awards for TV Best Travel Show Host para sa programang ‘Pinoy Abroad’.

Credit: Rhea Santos Instagram

Taong 2019 nang umalis si Rhea sa bansa kasama ang kanyang pamilya para mag-aral sa kursong Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology sa Canada.

Credit: Rhea Santos Instagram

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga kasamahan niya dati sa GMA ang post ni Rhea.

Ani Pia Arcangel, “Woohoo!! Go, Rhea!!!!”

Credit: Rhea Santos Instagram

Komento ni Mariz Umali, “Galing congrats rhea”

Saad naman ni Arnold Clavio, “Pasok!”

The post Dating ‘Unang Hirit’ host na si Rhea Santos, masayang ibinalita na isa na siya ngayong ganap na news anchor sa Canada appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments