Alamin ang nakaka-aliw na sagot ni Baby Malia sa tanong sa kanya kung maganda ang kanyang mommy na si Pokwang

Pinasaya ng aktres, komedyante at TV host na si Pokwang at ng anak nitong si Malia Francine O’Brian ang netizens dahil sa Instagram video na ibinahagi ni Pokwang.

Credit: @itspokwang27 Instagram  

Mapapanood kasi sa video ang napaka-cute na reaksyon ni Malia sa tanong ng kaniyang Mama Pokwang.

Ani ni Pokwang sa video, “Malia, maganda ba si Mama?”

Matagal pa bago nakasagot ang anak ni Pokwang sa tanong.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Napaka-cute ng reaksyon ni Malia dahil halata sa ekspresyon ng mukha nito na hindi niya naiintindihan ang pagsasalita ni Pokwang.

Sa huli ang nasabi lang ng half-Filipina at half-American na si Malia ay, “What’s going on?”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Napahalakhak naman si Pokwang sa naging tugon ng anak. Kahit hindi naiintindihan ni Malia kung bakit napatawa niya ang kanyang Mama Pokwang ay todo-ngisi rin ito.

Sa video ay lumabas ang pagiging half-American ni Malia. Bukod sa kaniyang blonde hair, ay mayroon din itong American accent.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ayon sa caption ng IG post na ito ni Pokwang gusto lang daw niyang mapatawa ang kaniyang followers.

May caption ang IG post na ito ng komedyante na, “Wala lang gusto ko lang kayong tumawa hahahhaha napaka honest na sagot ni tisay @malia_obrian”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Mukhang nakuha naman ni Pokwang ang gusto niyang maging reaksyon ng netizens dahil sa comment section ng naturang post ay bumaha ang mga tawa at komento ng mga ito. Maraming netizen ang natawa dahil sa kulitan ng mag-ina.

Komento ng isang follower ni Pokwang, “Hahahha p@ktay ka diha mamang. wag stressin ang bata”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Aniya naman ng isa pang netizen, “Super cute and bibo hahaha”

“Slang ni Tisaym cutie patotie”

“Kakatuwa naman si Tisay sis”

“You just made my day cutiepie @malia_obrian Sending you lots of love”

“Ang Layo ng Sagot Malia ah”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Samantala, kagaya ng ibang anak ng artista ay Instagram baby din si Malia. Sa edad na 2 years old ay kasalukuyang mayroon ng 325 Thousand followers si Malia sa kanyang sariling Instagram account na @malia_obrian.

Sa mga hindi nakakaalam, anak si Malia ni Pokwang sa American partner nitong si Lee O’Brian na nakasama ni Pokwang sa pelikula niyang ‘Edsa Woolworth’ noong 2014.

The post Alamin ang nakaka-aliw na sagot ni Baby Malia sa tanong sa kanya kung maganda ang kanyang mommy na si Pokwang appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments