Isang ‘Banana Cue girl’ ang agaw atensyon ngayon sa social media dahil sa pagkakahawig sa aktres na si Coleen Garcia

Nakakahanga ang ipinakitang dedikasyon ng 16 taong gulang na si Yssa Nicole Nengasca mula sa probinsya ng Midsayap sa Cotabato para matulungan ang kanyang pamilya sa gitna ng p@ndemya.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook  

Maraming kabataan ngayon ang naghahanap ng mapagkakakitaan makatulong lang sa kanilang magulang. Dahil sa hirap ng buhay, na mas lalo pang pinabibigat ng nararanasan nating p@ndemya ay hindi talaga pwedeng tumunganga lang tayo at walang ginagawa.

Kaya’t naisipan ni Yssa na maglako ng Banana Cue sa kanilang lugar para kumita kahit papaano ng pera.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging viral ang larawan ni Yssa na bitbit ang isang bilao ng ibinebenta niyang banana cue.

Bukod kasi sa pagbebenta ng banana cue ay nakaagaw-pansin din sa netizens ang taglay nitong kagandahan.

Sa katunayan, malaki raw ang pagkakahawig ni Yssa sa artistang si Coleen Garcia. Mula sa kanyang bilugang mukha at matangos na ilong ay marami ang nakapagsabi na kamukha nito si Coleen.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Sa kanyang mga larawan na ipinopost niya sa kanyang social media ay hindi maipagkakailang isang napakagandang dalaga si Yssa.

Bukod sa taglay na kagandahan ay maraming netizen din ang humanga sa pagiging walang-arte ni Yssa.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Hindi kasi nito ikinakahiya ang pagbebenta ng banana cue makatulong lang sa pamilya.
Dahil rito ay marami ang nag-share at nagbigay ng kanilang kanya-kanyang komento sa kanyang larawan sa social media.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Sa isang Facebook post ng isang local radio station kay Yssa ay ikinuwento nitong kaya niya naisipan na magbenta ng banana cue para matulungan ang kanyang pamilya lalo na’t lubos na naapektuhan ng p@ndemya ang hanapbuhay ng kanyang inang isang OFW.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Marami namang nagkomentong netizen na willing bumili sa paninda ni Yssa basta ito ang nagbebenta.

Nagsilbing isang huwaran talaga si Yssa na dapat tuluran ng iba pang kabataang Pilipino.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Samantala, hindi naman maiwasan na makakuha ng mga negatibong komento mula sa ilan ang larawan ni Yssa. Gayunpaman, ay natutuwa at nagpasalamat pa rin siya sa lahat ng naka-appreciate sa ginawa niya. Aniya, sanay maging inspirasyon daw para sa lahat ng kabataang kagaya niya ang kanyang ginawa.

Credit: Yssa Nicole Nengasca Facebook

Kasalukuyang Grade 11 student na si Yssa na nag-aaral sa Notre Dame of Midsayap College.

The post Isang ‘Banana Cue girl’ ang agaw atensyon ngayon sa social media dahil sa pagkakahawig sa aktres na si Coleen Garcia appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments