Close-up pictures ng anak nila Anne Curtis at Erwan Heussaff, ipinasilip na; Anne, hindi napigilang maging emosyonal sa ika-6 buwan ni Baby Dahlia

Isa sa kasiyahan ngayon ng first-time parents na sina Kapamilya actress-model Anne Curtis at businessman-vlogger na si Erwan Heussaff ay ang masilayan ang unti-unting paglaki ng kanilang unang anak na si Dahlia Amèlie.

Credit: Anne Curtis Instagram     

Para sa mag-asawang Heussaff napakahalaga na ma-celebrate nila ang mga mumunting achievement o milestone ni Dahlia Amèlie bilang isang sanggol. Isa na nga rito ay ang pagtungtong ni Dahlia Amèlie ng 6 na buwan.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Para sa bagong mommy na si Anne, parang kailan lang daw noong unang nasilayan at nahawakan niya ang anak kaya’t hindi niya napigilang maging emosyonal habang binabalikan ang mga unang araw ni Dahlia Amèlie sa mundo.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Nitong September 2 lang ay ibinahagi ni Anne ang mga larawan ni Baby Dahlia Amèlie bilang paggunita sa pagtungtong niya ng 6 na buwang gulang.

Sa mga larawan ay isang napakaganda at napaka-cute na Baby Dahlia Amèlie ang nasilayan ng netizens.

Credit: Anne Curtis Instagram

Napaka-memorable rin ng mga larawang ito dahil ito ang unang pagkakataong nagbahagi si Anne sa kanyang social media ng ‘close-up’ pictures ni Dahlia.

Makikita rin sa mga larawan ang letrang 6 na si Anne pa mismo ang nag-desenyo.

Sa Instagram post ni Anne ay sinabi nitong, “Happy 6th month to our little ErwAnneita ✨
Je t’aime ma petite fleur, Dahlia Amélie.” (I love you my little flower, Dahlia Amélie)

Credit: Anne Curtis Instagram

Aniya, “I feel like it was just yesterday that I gave birth and held this sweet little girl in my arms for the first time… and just like that, half a year has gone by.”

Dagdag ni Anne, “Mixed emotions of excitement to seeing her grow and experiencing all her milestones BUT also wanting to keep her as my little baby.”

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Inilahad din ni Anne na naiintindihan na niya ang ‘feeling’ ng isang magulang habang nakikita nitong unti-unting lumalaki ang kanilang anak.

Ani Anne, “I guess, now I understand when mums and dads say “you’ll always be my little baby” – because that’s what she’ll always be to me. My little Dahlia Amélie 🌸.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Hindi naman mapigilan ni Anne na isipin kung anong mararamdaman niya kapag ipagdiriwang niya ang mahahalagang kaarawan ng anak.

Aniya, “Ba Yan. 6th months pa Lang emotional na ako what more pag 1st birthday? 16th? 18th? 21st?! 😂

Sa Instagram naman ni Erwan ay sinabi nitong, “A lifetime of smiles in half a year.”

The post Close-up pictures ng anak nila Anne Curtis at Erwan Heussaff, ipinasilip na; Anne, hindi napigilang maging emosyonal sa ika-6 buwan ni Baby Dahlia appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments