Ex-PBB housemate na si Joj Agpangan, ipinakita na sa publiko ang mukha ng lalaking nagpapatibok sa puso niya ngayon

Hindi na nakapagtataka kung bakit blooming na blooming ngayon ang dating “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4” housemate na si Joj Agpangan. Ito ay dahil may nagpapatibok na sa kanyang puso.

Credit: Joj Martin Agpangan Instagram    

Maraming netizens ang kinilig at nainggit sa larawang ibinahagi sa Instagram ni Joj kasama ang boyfriend nito.

Nitong August 30, 2020 ay ipinakita na ni Joj ang mukha ng lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

Sa Instagram photo ay sweet na sweet na nakayakap sa aktres ang boyfriend nito habang nakatampisaw sa swimming pool ng isang resort.

Credit: Joj Martin Agpangan Instagram

“Keepin’ it simple”, aniya sa caption ng IG post.

Ayon sa naka-tag na pangalan sa Instagram photo, Israel “Ice” Martinez ang pangalan ng boyfriend ni Joj.

Ipinarating din ni Joj na mukhang nahanap na niya ang kanyang “Safe Zone” dahil sa nakalagay na lokasyon sa Instagram post.

Credit: Joj Martin Agpangan Instagram

Kung pupuntahan mo ang Instagram account ni Ice ay nakalagay sa Instagram bio nito ang mga letrang ‘O.D’. Ibig sabihin nito ay isang Optometrist si Ice.

At kamakailan din ay nagbahagi ng isang video si Joj na naglalaman ng ilang ‘memories’ nila ng kaniyang boyfriend. Ilan rito ay ang kanilang mga bakasyon ng magkasama. May isang clip din sa video kung saan ay nasa clinic si Ice.

Sa Instagram video ay makikita ang kulitan at sweetness nila Joj at Ice.

 

View this post on Instagram

 

. 9 years time lapse… Back to OG 💯 sml doc 🧊

A post shared by Joj Martin Agpangan (@jojagpangan) on

Marami ang nag-komento sa lovelife ngayon ng aktres.

Credit: Joj Martin Agpangan Instagram

Komento ng dating PBB housemate rin na si Fifth Solomon, “Ay winner!”

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens:

“Wow namaaaan!”

“IM SO HAPPY”

Credit: Joj Martin Agpangan Instagram

“Ang tamis”

“At tumigil naang mundo”

“So sweet. Stay strong sa inyon Manang Joj. We’ll be waiting for Manang Jai’s partner soon heheh”

“Ayyyy lumalovelife!!!!!!!”

Credit: Joj Martin Agpangan Instagram

Taong 2012 nang pumasok sa bahay ni Kuya si Joj kasama ang kakambal nitong si Jai Agpangan. Tinagurian sila bilang “Ang Double Bida ng Bacolod.”. Pagkatapos sumali sa PBB ay naging parte ang dalawa sa ilang programa ng ABS-CBN katulad ng sikat na teleseryeng ‘Forevermore’ ng LizQuen.

The post Ex-PBB housemate na si Joj Agpangan, ipinakita na sa publiko ang mukha ng lalaking nagpapatibok sa puso niya ngayon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments