Isang Fast food crew ang nag-viral dahil sa pagsisikap na maka-attend sa kanyang online class habang break time sa kanyang trabaho

Isa sa mga lubos na naapektuhan ng p@ndemya ay ang edukasyon ng ating kabataan. Maraming estudyante ngayon ang todo diskarte maipagpatuloy lang ang kanilang pag-aaral. Dahil sa hirap ng buhay, kailangan pa nilang humanap ng oras para kahit papaano ay nakakapag-aral pa din habang kumikita ng perang pangtustos sa kanilang pamilya at pag-aaral.

Credit: Jan Dominique A. Agravante Facebook

Isa sa mga viral na kwento ngayon ng pagsisikap ng isang kabataan, na hindi sumusuko sa gitna ng mahirap na sitwasyon maabot lang ang kanilang pangarap sa buhay ay ang working student mula Marikina na si Jan Dominique Agravante.

Nag-viral si Jan Dominique dahil sa larawang kuha ng kanyang mga katrabaho at classmate kung saan ay makikita siyang umaattend ng kanyang online class habang naka-break ito bilang isang crew ng isang fast food chain.

Credit: Jan Dominique A. Agravante Facebook

Hindi naging hadlang para kay Jan Dominique ang mahinang internet connection at kakulangan ng maayos na lamesa samahan pa na nasa trabaho pa rin siya para umattend pa rin sa kanyang online class.

Hindi natin maipagkakaila na dahil sa “new normal” sa paraan ng pag-aaral ngayong may p@ndemya ay marami ang nahihirapan pa ring mag-adjust. Isa na nga rito si Jan Dominique.

Credit: Jan Dominique A. Agravante Facebook

Noon kasing wala pang p@ndemya ay naging routine na talaga ni Jan Dominique na mag-aral sa umaga at maging service crew sa gabi.

Pagkukuwento niya, “Sa online class po nakakapanibago. Noong mga nakaraang taon po kasi nasanay na ako na estudyante sa umaga, service crew sa gabi.”

Credit: Jan Dominique A. Agravante Facebook

Aniya, “More efforts na lang, lalo na pag gusto mo talaga ‘yung ginagawa mo. Lalo na sa work. Kung ‘yung puso nasa trabaho talaga, hindi ka mahihirapan or mapapagod eh.”

Kaya naman nagtatrabaho si Jan Dominique ay para masuportahan ang sarili dahil sa mahirap na sitwasyon na rin ng kanyang pamilya.

Ani Jan Dominique, “Nagtrabaho po ako kasi hindi na po enough ‘yung naibibigay ni Papa na panggastos namin so I decided po na mag-work (sa fast food chain) habang nag-aaral.

Credit: Jan Dominique A. Agravante Facebook

Dagdag niya, “Sa lahat ng gagawin natin, mapa-online class man iyan, trabaho, or sa bahay lang, kailangan nating isapuso lahat ng gagawin. Be productive everyday kahit na may pandemic po tayong nararanasan.”

Paglalahad naman ng classmate ni Jan Dominique na si Jirah Nicolas na kaya niya naisipang kunan ng litrato si Jan Dominique ay dahil sa nabasa niya ring nag-viral na kwento ng isang delivery rider na pinagsasabay din ang kanyang trabaho at pag-attend ng online class.

Ani Jirah, isang inspirasyon para sa kanila si Jan Dominique at gusto niya ring magsilbing inspirasyon ito hindi lang sa kanila kung hindi para sa lahat ng estudyante para umattend ng kanilang online class.

Credit: Jan Dominique A. Agravante Facebook

Samantala, graduating student na si Jan Dominique sa kursong Business Administration Major in Marketing Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

The post Isang Fast food crew ang nag-viral dahil sa pagsisikap na maka-attend sa kanyang online class habang break time sa kanyang trabaho appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments