Bagong bukas na negosyo nila celebrity couple Sunshine Garcia at Alex Castro, dinagsa ng customers sa unang araw ng soft opening

Iba’t ibang diskarte ngayon ang naiisip ng ilang Kapamilya artists na lubos na naapektuhan dahil sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN network. Ang ilan sa kanila ay pinasok na ang pagnenegosyo para kumita ng ekstra kahit may ipinapatupad pa din na community qu@rantine.

Credit: Sunshine Garcia-Castro Instagram     

Kabilang rito ang celebrity couple na sina ‘Banana Sundae’ actress-dancer Sunshine Garcia at singer-actor Alex Castro.

Sa gitna kasi ng p@ndemya ay naging matagumpay pa rin ang pagbubukas ng mag-asawa sa kanilang negosyo na Korean & Japanese mini-mart sa Marilao, Bulacan.

Credit: Alex Castro Instagram

Ginanap ang soft-opening ng kanilang negosyo noong August 30 kung saan sila Sunshine at Alex ang mismong nagbebenta at nagbabantay sa loob.

Ayon pa sa Instagram post ni Sunshine ay hindi nila inaasahan na dadagsain sila ng maraming mamimili sa unang araw ng kanilang pagbubukas samahan pa na nasa ilalim pa rin ng modified general community qu@rantine (MGCQ) ang Bulacan.

Credit: Sunshine Garcia-Castro Instagram

Kwento pa ni Sunshine na kahit buong araw daw silang nakatayo ni Alex sa pagbebenta ay ayos lang basta’t araw-araw ay marami silang customer.

Credit: Alex Castro Instagram

Aniya sa caption ng post, “Yung akala namin dahil Soft Opening wala pa masyado pupunta😬 ngayon lang ako nakaupo ng maayos. Di kami marereklamo kung ganun lagi ang tao ok lang na wholeday nakatayo💚 Deserved ko ang ice cream na ito ngayon!”

Credit: Alex Castro Instagram

Sa Instagram naman ni Alex ay nagbahagi rin ito ng ilang larawan kuha mula sa kanilang mini-mart. Ayon kay Alex ay nagahol daw sila sa oras dahil sa dami ng dumagsang mamimili.

Ani sa caption ng IG post ni Alex, “Ang inyong tindero at tindera ng SSLEX Korean&Japanese Mart yung akala naming soft opening palang wala pa masyadong customer na pupunta pero nagahol kami sa dagsa ng customer hindi kami magrereklamo basta lagi nyo kami bibisitahin sa SSLEX Mart. Salamat sainyo visit na kayo 😊🇯🇵🇰🇷🏀

Credit: Alex Castro Instagram

March 2, 2019 nang ikasal sina Sunshine at Alex. Mayroon ng isang anak ang dalawa na si Axel Castro. Samantala, bukod kay Axel ay mayroon pang isang anak si Alex sa dating asawa nito.

The post Bagong bukas na negosyo nila celebrity couple Sunshine Garcia at Alex Castro, dinagsa ng customers sa unang araw ng soft opening appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments