Zia Dantes, pinakitang marunong siya sa gawaing bahay kahit bata pa; Marian at Dingdong, pinuri sa paraan ng pagpapalaki sa anak

Napakahalagang natuturuan ng isang magulang ang kaniyang mga anak ng gawaing bahay habang nasa murang edad pa lang ito upang masanay silang maging responsable. Kapag bata pa lang at naituro nang mga magulang sa kanila ang mga gawaing bahay ay mas maaga nilang matutunan ito at makakasanayan na gawin.

Credit: @marianrivera Instagram    

Naging ehemplo para sa mga batang kagaya niya ang apat na taong gulang na panganay na anak nina Kapuso stars Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia o mas kilala ng lahat sa kaniyang palayaw na “Zia”.

Sa isang Instagram story kasi ni Mommy Marian ay proud na proud itong ibinahagi ang isang dalawang minutong video kung saan ay makikitang focus na focus si Zia sa pagmo-mop ng sahig.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa maliit na pangangatawan ay todo bigay si Zia sa paglilinis ng kanilang sahig. Mapapansin sa video na mukhang hindi ito ang unang pagkakataon na nag-mop ng sahig si Zia dahil pulido ang kaniyang mga galaw habang nililinis ang sahig.

Credit: @marianrivera Instagram

Kahit bata pa lang ay sinisimulan na nila Mommy Marian at Daddy Dingdong na sanayin ang kanilang mga anak kung paano maging independent.

Credit: @marianrivera Instagram

Hindi maipagkakaila na kahit may pera at may mga kasambahay naman sila ay sinisigurado pa rin nilang natuturuan nila ng mga gawaing bahay ang kanilang anak.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa kasipagang ipinakita ni Letizia. Bukod dito, marami rin ang pumuri sa paraan ng pagpapalaki ng aktres at aktor sa kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

Napakasipag na bata.. ☺ 📽: MarianRivera’s IG story #ZiaDantes #MariaLetiZia

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

Narito ang ilang komento ng netizens sa pagiging masipag ni Zia.

“Magandang training sinasanay ni Marian si zia ng trabaho sa bahay”

Credit: @marianrivera Instagram

“Good girl, so masipag. Good parenting DongYan. God bless.”

“Napakasipag nman ni Zia”

“Tama yan. let her learn how to be responsible as early as her age. When she gets old, daladala niya yan. Good job to the parents”

Credit: @marianrivera Instagram

“Malamang si Marian ay ganon din noong bata pa siya kaya mana sa nanay si Zia”

“Mas ok napo lumaki macpag kaysa tamad hehehe nice one mama marian galing naman Marialetizia”

The post Zia Dantes, pinakitang marunong siya sa gawaing bahay kahit bata pa; Marian at Dingdong, pinuri sa paraan ng pagpapalaki sa anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments