Tignan ang simple at memorable na kasal ng ex-PBB housemate na si Fourth Solomon at kanyang model girlfriend sa gitna ng p@ndemya

Maraming nakaplanong kasal ngayong taon ang kinansela muna o pinalitan ang petsa alinsunod sa mga ipinapatupad na strict quar@ntine protocols.

Credit: Fourth Pagotan Instagram         

Ngunit para sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Fourth Solomon at ng modelong nobya nito na si Grizelle Gratela, tuloy na tuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib kahit pa may umiiral na community qu@rantine sa bansa.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Fourth ang ilang larawan ng kanilang kasal na ginanap nitong August 27 sa Las Casas Filipina de Acuzar, Quezon City.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Para sa dating PBB housemate, simple at memorable daw ang naging kasal nila ni Grizelle.

Ani Fourth sa kaniyang Instagram post, “Simple and Memorable. Officially my wifey @grizellegratela”.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Samantala, sa Instagram naman ni Grizelle ay ikinuwento niya kung paano nauwi sa isang simple at intimate civil wedding na may 30 guests lang ang plano sana nilang Boracay beach wedding ni Fourth na gaganapin sa Marso 2021.

Pagkukuwento ni Grizelle, “This post is mostly focused on my wedding bouquet, quick story lang, our initial plan was a Boracay beach wedding on March 2021 but then c0vid happened and we realized that we can’t wait much for everything to settle down because it might take years and we can’t wait much longer so we decided to plan this simple, intimate civil wedding with 20 of our close loved ones.”

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Nag-iwan din ng mensahe si Grizelle sa lahat ng kagaya niyang ikakasal din na naapektuhan ang kasal dahil sa c0vid.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

“To all my fellow brides out there, i know our plans have definitely changed because of the situation but keep in mind that you should focus on what will truly make you happy and then decide from there,” saad ni Grizelle.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Matatandaang December noong nakaraang taon ay nag-propose si Fourth kay Grizelle sa San Francisco, California.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Sa Instagram account naman ng twin brother ni Fourth na si Fifth Solomon ay nagpaabot ito ng kaniyang pagbati sa dalawa.

Aniya, “Congrats Fourth and Zel! Mister and Misis Pagotan! Stay in love!”

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Sa post din ay nagbiro si Fifth na baka siya na ang susunod na ikakasal.
“Hala..ako na next ata. Sa mga may crush sakin jan, umamin na,” ani Fifth.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Bukod sa kaniyang kambal, maraming kasamahan din ni Fourth sa showbiz ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa bagong kasal. Kabilang dito sina Daniel Matsunaga, Joshua Garcia, Jane Oineza, Valeen Montenegro, Loisa Andalio at marami pang iba.

Credit: Fourth Pagotan Instagram

Taong 2014 nang pumasok sa showbiz si Fourth at ang kanyang kakambal na si Fifth bilang parte ng Pinoy Big Brother: All In edition.

The post Tignan ang simple at memorable na kasal ng ex-PBB housemate na si Fourth Solomon at kanyang model girlfriend sa gitna ng p@ndemya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments