Kristel Fulgar, hindi inaasahang papatok ang kanyang vlogs at ngayon ay meron nang sariling bahay at sasakyan na katas ng vlog

Malayo na nga ang narating ng dating Goin’ Bulilit star na si Kristel Fulgar simula nang pasukin niya ang mundo ng vlogging.

Credit: Kristel Fulgar Instagram  

Sa video na ibinahagi ng Star Magic sa Youtube, ikinuwento ni Kristel ang naging journey niya bilang isang digital content creator.

Paglalahad niya, “Nu’ng pumasok ako sa digital world, inuna ko ‘yung paggawa ng song-covers. Singing nga ‘yong tingin kong kaya kong gawin.”

Credit: Kristel Fulgar Instagram

Dagdag niya, “Medyo nu’ng una nagdududa pa ako. Na sabi ko, ‘Hindi ko yata kaya ‘to’ parang ganun. Kasi hindi ko forte.”

Ikinuwento rin ni Kristel na ang nagtulak sa kaniyang pasukin na rin ang pagba-vlog ay ang simpleng kagustuhan niyang mai-dokumento ang isang magandang pangyayari sa kaniyang buhay.

Credit: Kristel Fulgar Instagram

“Yung isang event na parang gusto kong i-feature. Sabi ko, ‘magba-vlog ako. ‘yung vlog na ‘to para lang ma-keep ko sa sarili ko kasi memorable experience eh.”

Hindi lubos akalain ni Kristel na ang una niyang vlog sa YouTube ay magtre-trending sa social media.

Credit: Kristel Fulgar Instagram

Pagkukuwento ni Kristel, “Gumawa ako ng bagong channel para less expectation, less ang pressure na kung hindi siya mag-hit or walang manood, ok lang kasi bagong channel siya eh. At saka hindi ko naman talaga forte ‘yong vlogs. Tapos nu’ng pinost ko nag-trend sa Facebook. Isang buwan pa lang umabot na sa 100k views. Tapos na-realize ko, na kaya ko pala.”

At kamakailan nga natanggap na ni Kristel ang 2 Gold Play buttons para sa dalawang YouTube channels na Kristel Fulgar at KrisTelle vlogs na umabot na sa mahigit 1 million ang subscribers.

Credit: Kristel Fulgar Instagram

Pag-amin ni Kristel sa isang Instagram post, “Never thought that I would get this far.”

Kuwento pa niya, “When I started these YouTube channels and doing song covers and vlogs, I always have this mindset , ‘I’m doing this for fun and to keep memorable moments’. I hope this serves as an inspiration to those who are aspiring to be a YouTuber as well.”

Samantala, masaya si Kristel na nagawa niyang pagsabayin ang kaniyang pag-aaral at paggawa ng mga bagay na gusto niya.

Credit: Kristel Fulgar Instagram

“Sobrang masaya ako na natapos ko ‘yung pag-aaral ko na hindi nag-sstop. Napagsabay ko ‘yung pag-aartista ko nu’ng tima na ‘yun at ‘yung pag-aaral ba masasabi kong proud ako kasi hindi siya madaling gawin.”

Sa kasalukuyan, nakapagpundar na ng sariling bahay si Kristel at nakabili na rin siya ng mga sasakyan. Bilang isang vlogger din ay nakapag-travel na si Kristel sa mga dream places niya.

Credit: Kristel Fulgar Instagram

Paglalahad ni Kristel, “Sabi ko sobrang achievement din ‘yung nakarating ako sa mga dream places ko, dream countries ko. Achievement din na hanggang ngayon artista pa rin ako. Nagawa ko na din ‘yung pagpapagawa ng bagong house. Bumili ako ng mga kotse. Hindi ako sobrang mataas mangarap. ‘Pag mangarap ako, gusto ko ‘yung realistic.”

The post Kristel Fulgar, hindi inaasahang papatok ang kanyang vlogs at ngayon ay meron nang sariling bahay at sasakyan na katas ng vlog appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments