Tignan ang malaking bahay nila Manny at Jinkee Pacquiao sa General Santos City na mayroong sariling covered basketball court sa loob

Sa bawat tagumpay na nakakamit ay kakaibang ginhawa ang nabibigay na kapalit. Magkaiba man ang pamamaraan kung paano ipapakita ang mga napagtagumpayan sa buhay ay hindi pa rin matutumbasan ang pagkakaroon ng isang kumpleto at buong pamilya.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube         

Ganito nga inilirawan ni Jinkee Pacquiao nang ibahagi nya ang kanyang “Greatest Achievement” mula sa video na kanyang in-upload sa  kanyang YouTube channel.

Kabilang ang pamilyang Pacquiao sa isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa ngayon.

Ang tagumpay na kanilang nakakamit ay nagmula sa kanilang kasipagan at pagsusumikap na maiahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Kaya naman isa sa mga naging blessing nila ay ang naipundar nilang bahay na matatagpuan sa General Santos City.

Proud na ipinakita ni Jinkee ang isa sa mga katas ng kanilang pagsasakripisyo, ang napakalaki nilang bahay sa General Santos City.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Pagpasok pa lang sa front door ng kanilang bahay ay sasalubong kaagad ang kanilang living room at makikita mula doon ang mga nakasabit na mga letrato ni Jinkee na nagmula pa sa kanyang mga endorsement, photoshoot at magazine covers na ginawa noon.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Makikita naman sa isa sa mga nakasabit na picture frame ay ang kanilang family pictures. Ito ay ipinalagay ni Jinkee upang laging makita ang mga larawan ng kanyang anak simula ng sila ay mga bata pa lamang hanggang sa lumaki ang mga ito.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Ayon kay Jinkee ay tinuturing niyang ‘greatest achievement’ niya ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.

“As you can see, yung family picture namin kasi mahilig ako na makikita ko yung mga anak ko na yung baby pa sila hanggang sa paglaki kasi yung mga anak ko ang greatest achievement ko sa buhay ko.”

Pagpasok sa kanilang entertainment room ay agad namang bubungad ang isang malaking flat TV screen. Katabi naman nito ay isang sliding door na katapat ng pintuan papunta sa nakaseparate na dining area ng pamilya.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Mapapansin din ang isang kwarto na nakahiwalay sa kanilang bahay. Ito ay ang kanilang converted dining area.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Kapansin-pansin din ang kanilang pool area na talaga namang kaakit-akit kung iyong pagmamasdan.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Makikita mula rito ang kalapit nitong guest house na kanilang inilaan para sa mga bisita.

Hindi rin magpapahuli ang malawak nilang basketball court na talagang pinagawa nila Manny at Jinkee dahil mahilig maglaro ng basketball si Manny at kanilang mga anak.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Sa isang parte din ng sa labas ng bahay nila Jinkee ay may pinagawa silang playground.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Ayon kay Jinkee ay pinasadya nila ang bahay na maglaman ng mga areas na madalas nilang gamitin at puntahan para hindi na sila kailangan pang lumabas ng bahay.

Samantala ay nag-iwan naman si Jinkee ng isang advice sa huling parte ng kanyang video tungkol sa kung paano magkaroon ng isang masaya at matagal na pagsasama.

“Ang mapapayo ko lang siguro is habaan ang pasensya kasi yun talaga yung ano… patience. Understanding ka talaga sa partner mo.”

The post Tignan ang malaking bahay nila Manny at Jinkee Pacquiao sa General Santos City na mayroong sariling covered basketball court sa loob appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments