Marami ang natuwa sa napakagandang chemistry nila Kathryn Bernardo at Alden Richards nang pinagtambal sila sa hit na movie na Hello Love Goodbye. Isa ito sa mga bihirang pagsasama ng dalawang sikat na artista mula sa magkaibang network.

Credit: @kath_den Instagram          

Sa ika-unang anibersaryo ng Hello, Love, Goodbye noong July 31 ay inalala nila Kathryn at Alden ang kanilang pelikula sa pamamagitan ng pagpost ng mga letrato at greeting sa kani-kanilang Instagram account.

Credit: @kath_den Instagram

Si Kathryn ay nagpost ng mga never-before-seen footages ng kanilang naging shoot sa Hong Kong.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Sinabi ni Kathryn sa caption na hindi siya makapaniwala na isang taon na matapos pumatok sa takilya ang kanilang pelikula. Idinagdag pa niya kung gaano na niya namimiss ang mga taong nakasama niya sa pelikula.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“Can’t believe it’s already been a year since #HelloLoveGoodbye! Missing everyone! Happy one year anniversary, HLG team!! Here are some bts I didn’t get to post while we were shooting in HK”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Maging si Alden ay nagpost ng letrato niya kung saan andun siya sa pinagshootingang rooftop sa Hong Kong.

Credit: Alden Richards Instagram

“I don’t love you. #HLGanniversary,” ang caption na sinulat ni Alden. Ito ay hango sa sikat na linya nila ni Kathryn sa pelikula.

Credit: @kath_den Instagram

Maging ang mga fans ay nagsabi kung gaano na nila ka-miss ang pelikula at umaasa silang magkaroon pa ito ng part 2.

Credit: @kath_den Instagram

“Nakaka-miss ang HLG! Ito lang ang Pilipino movie na ilang beses ko pinanood sa mga cinema😘 Sana may part 2🙏

“Sepanx “after a year” is real talaga noh? We know the feeling..😍

Credit: @kath_den Instagram

“Wait bakit parang naluha ako😳 aaaaaah❤❤❤❤❤ Love you!!! @bernardokath”

“Iba talaga tong film na to! Hay”

Ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay isang pelikulang tungkol sa isang domestic helper na si Joy at isang bartender na si Ethan na nagkrus ang landas sa Hong Kong. Ipinakita sa pelikula ang mga pinagdadaanang sakripisyo at problema ng mga OFW sa Hong Kong.

Credit: @kath_den Instagram

Ang pelikula ay tinaguriang may pinakamataas na kita sa history ng pelikula dahil tumabo ito sa higit P880 million na kita mula sa worldwide screening.

Credit: @kath_den Instagram

Bukod kayla Kathryn at Alden ay pinagbibidahan din ito nila Cacai Bautista, Maymay Entrata, at Joross Gamboa.

The post Inalala nila Kathryn Bernardo at Alden Richards ang fun memories nila sa pinagbidahang blockbuster film na Hello, Love, Goodbye appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star