Mahal, pinasok na rin pagba-vlog kasama ang modelo at indie actor na si Mygz Molino

Isang ganap na YouTube vlogger na nga ang dating aktres at komedyanteng si Noemi “Mahal” Tesorero.

Credit: Mahal tesorero Instagram     

Nagbibigay saya ngayon ang 45 taong gulang na vlogger sa netizens dahil sa mga nakakatuwang video na ginagawa nito.

Sa kaniyang pinakabagong vlog kasama ang modelo at indie actor na si Mygz Molino ay gumawa ng sarili pakulo si Mahal sa sikat na “Jojowain o Totropahin” challenge na sumikat sa YouTube.

Credit: Mahal tesorero Instagram

Binigyan nina Mahal at Mygz ng isa pang option ang challenge, ang “aasawahin” kung saan ay pipili si Mahal mula sa listahan ng mga aktor na gusto niyang jowain, tropahin o aasawahin.

Kabilang sa listahan na pagpipilian nina mahal ay sina Alden Richards, Carlos Agassi, Ruru Madrid, Dennis Trillo at iba pa.

Hulyo ngayong taon nang inupload ni Mahal ang kaniyang unang vlog.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 50 thousand subscribers si Mahal sa kaniyang YouTube channel.

Credit: MAHAL YouTube

Ilan pa sa mga YouTube video na inupload ni Mahal sa kaniyang channel ay “A DAY IN MY LIFE”, Chubby Bunny Challenge, Mukbang Porkchop, “How to cook Garlic Butter Shrimp”, Skin Care Routine, at Make Up Tutorial.

Credit: Mahal tesorero Instagram

Marami naman ang naintriga sa tunay na relasyon nina Mahal at Mygz. Sobrang sweet kasi ng dalawa sa mga vlog ni Mahal kaya’t hindi maiwasan ng netizens na maintriga sa relasyon ng dalawa. Bukod dito ay kilala rin si Mahal dahil sa mga nali-link sa kaniyang mga batang lalaki.

Credit: Mahal tesorero Instagram

Matatandaang, naging usap-usapan noon si Mahal dahil sa relasyon nito sa dating miyembro ng “That’s Entertainment” na si Jimboy Salazar na tumagal din ng dalawang taon. Matapos kasing maghiwalay nina Jimboy at Mahal ay sinampahan siya ng kasong libel ni Jimboy dahil sa mga paratang nitong bakla ang dating boyfriend sa kanta niyang “Masayang Tanghali Bayan”.

Credit: Mahal tesorero Instagram

Maliban kay Jimboy ay nakarelasyon din ni Mahal si Thyrone “Aries” Navarro na nabalitang inakusahan si Mahal bilang “cheater”.

Inakala naman ng marami na magtatagal ang relasyon ni Mahal sa pinakasalan nitong si Jobbie Hebrio noong 2015 ngunit 2 taon lang ang itinagal ng kasal nila.

Credit: Mahal tesorero Instagram

Samantala, tumatak si Mahal sa manonood dahil sa pagganap niya sa ilang pelikula sa telebisyon kagaya ng Kokey (1997) at Mr. Suave (2003).

The post Mahal, pinasok na rin pagba-vlog kasama ang modelo at indie actor na si Mygz Molino appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments